Check out http://www.mgadrowingniprits.com too!

Pesteng Ipis

Hanggang ngayon hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit kailangang may ipis. Hindi ko alam bakit kailangang tumagal sila, e extinct na ang mga ka-batch nilang dinosaurs.

Hindi ako takot sa ipis. Sa gagamba, oo, lalo na pag kita mo kung gano karaming mata meron siya.. ehh.. Pag kalokohan ang laki ng gagamba, hindi talaga ako makakalapit o makatingin. Pero sa ipis, hindi ako takot. Nandidiri ako.

Gusto kong patayin kagad ang ipis pag nakikita kong may gumagapang. Automatic na kukuha ako ng tsinelas at ihahanda ang mabilis na reflex at intuition para matyempuhan kung saan ako papalo. Merong hardcoded impulse sa utak ko na ang algo ay maging bayolente pag may ipis na nakita.

Kaya nilang lumipad. Unfair yun. Mas mahirap silang patayin pag ganun. May distinct na tunog ang lumilipad na ipis, pati rin yung pagtama ng katawan nila sa dingding. Pag nakakarinig ako nun, hindi ako mapakali. Hindi ako makakatulog hangga't hindi patay yung ipis na yun.

Ang mga ipis ay malaman. Juicy, in a very bad way. Alam niyo na yung ibig kong sabihin -- yung white-yellow na lumalabas na t&*^#nang anong parte ng insekto yan?! Tatalunin ang Hostel at Saw sa gore ng pagkamatay nila. Para silang bomba na hitik sa kadiring shrapnels, at kung hahampasin mo para patayin, dapat i-defuse mo lang, wag mong hayaang pumutok.

At may mga ipis na marunong manakot. Naglalakad ka na palapit sa kanila, sila din magtatangkang lumapit sa'yo, siguro nagbabalak gumapang paakyat ng paa mo para mandiri ka. Pwes, ipis, ikaw ang unang titiklop pag ako kinalaban mo. Hindi ka makakalapit ng mababa sa dalawang talampakan sa'kin. At swelas ng tsinelas ang huli mong makikita bago kita ipadala sa impyerno ng mga ipis.

May casualty sa baba ng hagdan namin. Nagtangkang lumapit sa'kin, e nakasapatos ako boi. Hindi ko nakontrol ang lakas ng tadyak. Isplat. White stuff everywhere. Kadiri. Hindi ko maalis sa isip ko kung gaano ka-graphic ang mga pangyayari. Yun lang. Sweet dreams sa akin.

Ang Kasaysayan ng Layout

I did it again. Nagpalit na naman ako ng blog layout. Para sa mga hindi sumusubaybay sa blog na 'to (which is LAHAT hehe), pang-sampu ko na 'tong palit. And to celebrate ten colorful version changes, I'll give you a tour through time and show you a grand history of discontented layouts. Hehe. (Tantya lang po yung mga taon)

1. A Pre-made Upsaid Template (2003)
white, light blue

Wala pa sa isip ko ang mag-customize ng blog layout, kaya pre-made muna. Sa Upsaid ang kauna-unahan kong blog. Labasan lang ng frosh angst at kung anu-anong istorya. Kinukwento ko pa noon yung prof namin sa softball na mukhang sikyu. Babae siya a.


2. UAAP Outlines (2003)
white, blue, green

Dahil frosh na frosh, matindi ang epekto ng archer-eagle rivalry. Naisip kong kaya kong baguhin kahit background at text colors sa blog ko para medyo exciting. Simple lang naman - may watermark ng top view ng basketball court, tapos may bagsak na eagle sa kanan na may nakatusok na pana. Green pride burns deep, sabi nila.


3. The Flash (2004)
white, red, black

Cartoon drowing ng sarili ko na nakasuot ng flash t-shirt. Pula ata ang links. Medyo iniba ko na ata ang posisyon ng page elements, di ko masyado tanda. Eto yung time na namamaximize ko na ang attendance policy. Hehe.


4. Ang Buhay Ay Parang Komiks (2004)
brown, yellow, orange

Photobucket
Nauna pa kay Mars Ravelo sa TV! :D

Medyo badtrip ata ako sa buhay nung panahon neto haha. Hindi naman emo kid. Fixed ang width at height, so scrollable ang blog entries sa isang area.


5. The Icebox Raider (2004)
black, blue, yellow

Photobucket
Raiding fridges nightly from 10pm onwards

Summer, at gabi-gabi ang midnight snack. Sidebar sa kaliwa. Dito ko naisip na dapat talaga may central concept ang layout ko, tapos yung elements ng page ay dapat magkaka-ugnay.


6. -silog (2005)
red, orange, yellow

Photobucket
Ulam na lang ang kulang

Isa 'to sa mga paborito ko. Nakakagutom daw ang pula, kaya pula daw ang karamihan sa mga fastfood/resto. Kaya pula din ang color theme nito. Balik fixed height at width. Lahat ng links ko sa ibang blog ay nasa format na (name)-silog. Nagsimula ang hilig ko sa tapsilog.


7. Balut! (2006)
black, blue, orange

Photobucket
Mga kwentong amats, tambay at sabaw

Madalas na ko inaabot ng umaga sa paligid ng campus. Tambay na 'ko ng school after school hours. Foodtrip sa gabi. Inuman, balut at chicharon. Naisip kong magandang i-drowing ang loob ng balut. Mm sarap.


8. The Yellow Line (2006)
dkgray, yellow

Photobucket
Keeping students five meters away from the harmful school environment

Na-realize kong mamimiss ko ang tambayan sa labas ng building namin. Ginawa kong layout ay top view ng Agno St, at ang yellow line ang nagsilbing hati sa content at sa sidebar. Isa din sa paborito kong layout. Right aligned lahat.


9. Mga Drowing Ni Prits (2007)
white, black, green

Photobucket
Kung 'di mo makwento, idrowing mo

Gusto ko ng sketch blog, kaya iniba ko na ang pangalan ng url ko sa nakikita niyo ngayon. Gusto ko na parang dinrowing lahat ng elements. Matrabaho pala ayusin hehe.

9.1 Mga Drowing Ni Prits (2008)
Blogger Layout version

Dahil parating Blogger Templates ang kino-customize ko, sinubukan ko naman ang Blogger Layout. Mas matrabaho hehe. Sinubukan ko lang para merong "older posts" at "newer posts" links ang blog ko.


10. Mga Drowing Ni Prits v2.0 (2009)
black, white, green

Photobucket
Kung 'di mo pa rin makwento...

Balik sa kasalukuyan. May search, rss feed link (na hindi ko pa nasusubukan hehe) at merong reminder mula sa Creative Commons :D Nakakapagod. Pati paggawa nitong post na to nakakapagod!! Haha!

Sampung palit ng layout. Sampung tema, sampung damdamin, sampung kwento. Siguro di pa dadating ang araw na makukuntento ako sa isang layout. Ang pagle-layout ng blog ay parang designing exercise sa'kin, at mukhang malayo pang matapos ang exercise na yun :D

Ikaw, alin sa sampu ang trip mo?

Pinoy Pokémon Part 3


P006 - LANGAWLA


TYPE: Bug/Flying
HEIGHT: 3"
WEIGHT: 5.2 LBS
AREA: Lahat ng madumi at nabubulok, Leonel Waste Mgmt
CRY: Lngwwwwwwwww..
ABILITY: Ultra Reflexes

Ang mga LANGAWLA ay mahilig sa dumi. Layunin nilang ipatikim sa lahat ng nilalang ang duming nadapuan nila. Madali lang humuli ng LANGAWLA -- ilublob sa septic tank ang iyong Pokéball at sila mismo ang magpupumilit pumasok.




P007 - BANGAWBA


TYPE: Bug/Bug
HEIGHT: 1' (?!?)
WEIGHT: 11.0 LBS
AREA: Lahat ng madumi at nabubulok, 'toilet' sa Mt. Pulag Campsite
CRY: Bngwwwwwwwww..
ABILITY: Intimideyshown

LANGAWLA ► BANGAWBA

Kalokohan ang laki ng mga BANGAWBA (Pero syempre pinakamalaking insekto pa din si BUYUGYOG) dahil nababali ang sanga pag ito'y dumapo. Iba-iba ang kulay nila, depende sa mikrobyo na dala nila. Ang fly swatter niyo sa bahay ay pambulag lamang sa kanila. Kailangang gumamit ng electric badminton racket.


Spoil-arium


Click n'yo yung image para makita nang buo.


Safe Mode

Safe mode ang pc ko ngayon. Sira kasi ang video card ko. Ibig sabihin nun:

- walang sound
- walang matinong video
- walang games
- lalo na Spore(TM)
- walang naruto shippuden marathon
- walang prison break marathon
- walang usb support
- walang scans
- walang drowing

- walang magawa.

Kaya binago ko na ang presentation ng blog ko, dating template na ngayon ay layout. Pero dapat pareho pa rin ang itsura. Kaya ang advice ko sa mga magma-migrate ng blog templates to layouts:

WAG. Unless handa kang sumakit ang ulo sa kaka-edit > save > view nang paulit ulit, habang iniintindi ang blogger layout tags.

Pero masaya na ko dito. Hehe. Saka ko na aayusin lahat. Sa totoo lang ang habol ko lang naman talaga sa layout templates e yung 'Older Posts' at 'Newer Posts' na lumalabas sa baba ng blog. Yun, tsaka yung tree-style na Archive view.

Bayanijuan

Walang Iwanan sa Bayanijuan

Twing nakikita ko 'to sa tv, binabasa ko 'to ng tatlong beses. Bawat ulit, iba ang kahulugan.

BAYAN-NI-HUWAN.
BAYANI-HUWAN.
BAYANIHUWAN.

At pagkatapos, sasabihin ko na naman sa sarili ko,

"Ang galing talaga ng nakaisip ng pangalan na to."

Gusto ko rin makaisip ng ganun. Hehehe.

credits: www.bayanijuan.org

The Oreo Commercial

..where the kid is on a video call with his dad, for me, is one of best commercials ever made. Why? It's because its so damn ordinary, yet it managed to tell its viewers THREE strong ideas about eating Oreo:

1. Oreo is for all ages

We have seen this concept in a previous Oreo commercial (i.e. father teaching his toddler son how to eat an oreo cookie). The idea is presented again in this ad, this time father and son are eating at the same time. Oreo isn't just for kids; you are never too old for Oreo.

2. Oreo is everywhere

They are in a video call. Webcam, over the internet. Across the globe. You can find Oreo and buy a pack anywhere in the world (or at least where there's internet access.. hehe)

3. Oreo can be eaten any time of the day

"Good night, buddy"
"Good morning, dad"
Early in the morning or just before bedtime, you can eat Oreo any time of the day.

Cool, isn't it? All three of that with just six words of script. A good example of a well-thought-out advertisement.

You might say I'm being too analytical about this. I'm not (although you have to admit that the commercial IS cool hehe). I'm just fascinated at the way humans find means to persuade other humans.

Now I'm wondering if a career in advertising would have worked out for me. Hehehe.

Pinoy Pokémon Part 2

Eto pa ang iba! I choose you!

P003 - TARITANDANG


TYPE: Fighting/Flying
HEIGHT: 1'11"
WEIGHT: 50.5 LBS
AREA: Sabungan
CRY: Tak-tari-ooooooohkkkk!!
ABILITY: Tari Slice

SARIMANOK >> TARITANDANG

Ang mga kuko ng TARITANDANG ay hindi napupurol. Ginagamit nila ito sa kapwa nila TARITANDANG para magkapera. Madalas makita ang mga TARITANDANG sa commercial ng Thunderbird.



P004 - BUYUGYOG


TYPE: Bug/Flying
HEIGHT: 6'2"
WEIGHT: 181 LBS
AREA: Fastfood chains
CRY: Jabijabijabijabi!!
ABILITY: Sundot Spaghetti

Maraming bata ang takot kay BUYUGYOG, dahil para sa isang insekto, napakalaki niya. Sa di malamang dahilan, masarap magluto ang mga BUYUGYOG ng fried chicken (tulad ni TARITANDANG).




P005 - POTIPOT


TYPE: Water/Ground
HEIGHT: 10"
WEIGHT: 15.3 LBS
AREA: The Island of Potipot
CRY: Potipotipoooooooot!!
ABILITY: Sandstorm Attack

Pantal ang aabutin mo kapag lumapit ka kay POTIPOT. Madalas silang nagpapadala sa alon, o kaya'y naglalagay ng buhangin sa loob ng shorts mo. Ang sayaw ng mga POTIPOT ay nakababa ng morale.



(Haha.. nag-eenjoy ako dito a.. meron pang mga dadating :D)

We Won't See The Cycle Continue

Nickelodeon's Avatar: The Legend of Aang has aired its last episode, and the writers say it's for good. I'm still waiting for that thought to sink into me. Animated series like Avatar are rare -- an interesting plot, a set of well-developed characters, philosophical views and a well-researched background. And it's sad to know that the last airbender's story has concluded.

I've read fan theories as to why the writers decided to stop at Book 3. Most said that the quality of the series might decline as more seasons are added. I agree with that. But maybe one more season wouldn't hurt, would it? I don't know.. The writers will be the ones to answer that.

I want to believe that there's more, that something else will still happen. Like a boomerang coming back. Or a family's closure. Or a new set of bending disciplines.

I wish they would make another series as good as this. Guess I'll just have to wait.

Badtrip talaga.

One Way Too Many

Sa Guadalupe Station sa MRT, nakita ko ang pinakamagulong public advisory sa Metro Manila:


Dapat nag-bus na lang tayo...


Ang ONE-WAY Passenger Flow Scheme na ito ay pinag-isipan at pinagplanuhang maigi para maayos ang daloy ng tao. Hindi ito lilikha ng anumang pagkalito sa mga babasa nito. Color coded ito para madaling intindihin.



Dahil sa malinaw ang instructions, kahit bata ay maaaliw dito.



Habang mas matagal kang nakatingin ay mas malalim na ang iyong pang-unawa.



At kung hindi mo ma-gets, wag mag-alala. Matapos titigan ang advisory ay kapansin-pansin ang iyong pagiging matalino. Tataas ang iyong IQ.



Antok na ko. Sakit sa ulo. Parang taling nagkapili-pilipit.

Pinoy Pokémon Part 1

Dahil may mga pokemon na sa Pilipinas lang makikita.

P001 - SARIMANOK


TYPE: Normal/Flying
HEIGHT: 1'6"
WEIGHT: 20.2 LBS
AREA: Everywhere (lalo na pag umaga)
CRY: Tik-tila-ooooooohkkkk!!
ABILITY: Rainbow tuka

Primary colors lang ang nirereflect ng balahibo ng SARIMANOK. Mahilig ito sa malilit na isda. Minsan ay makikita mo itong may huling isda sa tuka. Minsan na din itong nakita sa station ID ng channel 2.




P002 - BHELAT


TYPE: Normal
HEIGHT: 3'4"
WEIGHT: 87.6 LBS
AREA: Kambingan
CRY: Bhehehehehe-lat!
ABILITY: Asar Stare

Parating nakatalikod sa kalaban si BHELAT. Kahit iharap mo, tatalikod yan. Wala itong ibang gawin kundi lumingon at mang-asar. Kapag tinitigan ka na, wala ka nang ibang maiisip kundi katayin siya. Kaya kumukonti na sila.



Watch out for more! Hehehe..

* Bago kami noon umakyat ng Pulag, sinabihan kami ng DENR Rep na mataas ang bioodiversity ng bundok, at bawal naming guluhin ang kung ano mang datnan namin dun. Hanggang tutok lang ng Pokédex kumbaga. At dun na nagsimula ang batuhan ng mga bagong Pokémon na maisip namin. Sinabi ko na gagawan ko sila ng drowing, at eto ang unang dalawa.

** First colored drawings sa blog ko.

On The Roof of Luzon

Hindi ko naisip ang sarili ko na isang pang-outdoor na tao. Medyo may takot ako sa matataas na bagay lalo na kung walang assurance na ligtas ako. At di ko inisip na magkakaroon ako ng resistensya sa mga medyo intense na gawain. *ubo*Tamad*ubo*. Hehe.

Pero alam niyo, lahat yun nagbago nung maapakan ko ang damuhan ng summit ng Mount Pulag, ang pangalawang pinakamataas na bundok sa Pilipinas na matatagpuan sa Cordillera Provinces. Sa taas na ~2,930m, (onti lang ang agwat sa ~2,950m na Mount Apo), ibabaw na ng mga ulap ang makikita mo, at mangilan-ilang bahagi ng Pulag na sumisilip sa paligid.

Bigla kong naintindihan kung bakit may mga taong nagpapakahirap umakyat ng bundok sa kabila ng panganib at pagod.

The climb was both glorifying and humbling. Kaya ko pala yung ganon e, (kahit namamanhid na sa lamig at kulang pa sa tulog). Pero maraming ipapaalala sa'yo pag andun ka na sa taas. Maiisip mo lang kung gaano kahalaga ang sariwang hangin kapag manipis na to. Kung gaano kasarap ang init ng araw kapag buong gabi kang babad sa lamig ng hangin at ulap. Kung gaano naman kapresko ang ulap kapag sunog ka na sa araw.

Mabuti daw at umulan sa gabi sabi ng tour guide namin. Mawawala daw ang mga ulap sa tuktok, kaya mas maganda ang view ng sunrise. Galing ng irony no? May mga paraan ang kalikasan para lalo mo siyang maappreciate. At baka trip din kami ni Pulag. Salamat, Pulag! Sa uulitin!

Mahirap i-describe yung view sa taas e. At kung idodrowing ko, di makukuha yung saktong eksena. Kaya inihahandog ko sa inyo ang utol ng site na to: http://mgakuhaniprits.multiply.com Dahil kung di mo madrowing, pikchuran mo! Hehe!

Pero syempre, may drowing pa din!! Hehe!!

Kaya daw kakaiba ang Mt. Pulag ay dahil grassland ang peaks nito. Hindi lang yan, nahahati sa tatlong areas ang bundok: maliban sa madamong tuktok, meron pang Mossy Forest at Pine Forest, at mapapansin mo kaagad ang boundary ng mga areas.



Pinasok ng tubig ang tent namin nung gabi. Hindi namin alam kung pano kami magkakasya sa natitirang tuyong lugar sa loob. Doctor quack quack tulungan mo kami..



Rolling terrain mula campsite papuntang summit. Pag mali hakbang mo, rolling nga ang aabutin mo.



Kaya palang gawin ng jip to:



Malamig. Gano kalamig?
Sa DENR (Benguet):



Sa Ranger Station (Baba ng bundok):



Sa Campsite (2 hrs from summit):



Sa Summit:



At yun. Tapos na. Kung gusto mo makakita ng tanawin na perfect example ng salitang "breathtaking" (kapos ka talaga sa hininga dun), umakyat ka ng Pulag. Pramis, sulit.

What's up, HashMap?

I'm fine, println!
As in, JavaBean!
As if, else if!
Where else, if else?
Wag d'yan, boolean!
Why not, concat?
Hayup, for loop!
By the way, array..
In your face, interface!
Whatever, StringBuffer!
Petiks generics!

SCJP!!!

The Programmer and his Code

Malinaw dapat ang relasyon ng Programmer sa kanyang Code. Ang Programmer ang parating masusunod. Kung ano ang gusto niyang mangyari kay Code, yun dapat. Hindi dapat sumusuway kay Programmer si Code. Ang layunin ng Programmer ay tutuparin ni Code.

Pero fuchsia, nakakaasar talaga kapag ang pino-program mo ay hindi sumusunod sa gusto mo. Nakaka-frustrate. Sooner or later gagana din yan, ba't pa kailangang patagalin, diba? Badtrip.





Tapos uwian na. Uuwi ka na pero di pa rin sumusunod sa gusto mo yung code. Uuwi kang problemado. At mapapansin mong susunod na sa'yo ang code. Susundan ka ng code..

..mula pakikipag-usap sa sarili..





..hanggang sa pakikipag-usap sa iba..





..kahit hindi ka nga kinakausap eh..





Kaya sa susunod na makatagpo kayo ng programmer na sumisigaw at nagsasabing "Napagana ko rin!", plis, intindihin niyo na lang.

Unless you're a programmer yourself, you'll find it hard to understand
how deep
the relationship is
between a Programmer
and his Code.

Bow.

My Wii Number

8173 2810 3613 2003

Ayus. Add me Mii. :D

What's your Wii number?

Let me teach you some Magic

Gusto kong magpraktis magdrowing ng kamay, kasi isa yun sa mga weakness ko sa pagdodrowing. At dahil dun kaya naisip kong ituro na lang ng isang mabilis at exciting na larong pang-kamay na nilalaro namin noong highschool. Para lalo kayong maging interesado, eto ang isang trivia: Ipinagbawal ng principal namin noon na laruin ito dahil hindi daw ito nakakahasa ng isip -- puro reflex lang daw ang aasahan mo.

But I beg to disagree. Hindi lang reflex ang gagamitin mo. May halo itong Math, Probability at, well, Art. Hehe. Kailangan mo ring mag-isip ng mabilis, at sa bilis, kailangan ito ay tama. At gaya ng ibang makabuluhang laro, kapupulutan ito ng mabuting asal, tulad ng Honesty, Sportsmanship at Teamwork. Dats right.

Inihahandog ko sa inyo ang Magic. Ang Magic ay pandalawahan, pangmaramihan, at pang-infinity. Hehe. Nagkaroon ng panahon noong highschool na lagpas 1/4 ng quadrangle ang sakop namin sa dami naming naglalaro. Turo sa amin ng kaklase namin noong 3rd year highschool (na nagmula pa sa paaralan niya noong gradeschool), naging libangan ito ng mga mag-aaral at nag-alis ng sakit na tinatawag nating boredom. Pano ito nilalaro? Kung pamilyar kayo sa larong Dragon Ball (charge-block-kamehamewave!) ay medyo mabilis niyo na itong matututunan. Medyo lang. Diba nga, Math, Probability at Art. Kung hindi naman, isipin niyo parang advanced na bato-batopik.


1. GAMEPLAY show | hide


2. CHARGE show | hide


3. OFFENSE show | hide


4. DEFENSE show | hide


5. WHY MAGIC IS FUN show | hide


6. ADVANCED MAGIC show | hide


7. CONCLUSION show | hide

Patron

Nagkaroon ng homework yung utol ko kelan lang sa Religion. Ang tanong: "Who is your favorite saint?" Sabi ng mommy ko tulungan ko daw. Sabi ko naman, lahat ba ng tao may kilalang maraming santo para magkaroon ng isang favorite? Ang dating kasi e para bang "What is your favorite color?" lang o kung ano pa mang tanong sa slumbook. Hindi ba? At least yung sa favorite color, marami-rami naman akong alam na kulay na pagpipilian. E saints? Nakow. Isa lang ang ibig sabihin nun. Kailangan kong mag-research. *ungol ng aso*

At akalain mong may SAINT DATABASE. *umungol ulet yung aso* Hebi. May links from A to Z. May ibang listahan din para sa mga patron saints (Para sa mga hindi katoliko, ang patron saint ay ang santo para sa isang specific na larangan; halimbawa, si St. John Baptist De La Salle ang patron saint ng teachers) Mukhang lahat nga ng mga santo nandun. Pag sinabi pala sa'yo na magdasal ka na sa lahat ng santo sa langit, mas maigi kung naka-online ka muna.

Hindi ko inisa-isa, at wala din naman akong balak. Napapa-click lang ako sa mga santo na sikat o kaya'y interesting. Tulad ni St. Francis of Assisi, na noong una'y sobrang gago at puno ng kalokohan, at pagkatapos ay nagbagong-buhay at gumawa ng kabutihan. Sikat yun. Si St. Clare of Assisi naman ay nakakita at nakarinig ng Misa de Gallo sa sarili niyang kwarto habang ginaganap ito sa malayo. Siya ang patron saint ng telebisyon. Sa sobrang interesting nun, napakunot yung noo ko.

Pero eto ang pamatay. Saint Isidore of Seville. Nakasulat sa ilalim: "Proposed Patron Saint of Internet Users"! INTERNET!! Hanep no! At di pa dun nagtatapos a. Pag kinlick mo yung link niya, mapupunta ka sa page kung saan nakasulat ang "Prayer before logging onto the Internet" ampupu! Pati ba naman yun? Natawa ako dun pramis. Sino kaya ang nakaisip nun? Talagang ayaw pahuli ng simbahan e. Up-to-date sa makabagong teknolohiya.



Matapos ang ilang pages na nabasa ko, may na-realize akong tatlong bagay kung nagbabalak kang maging santo:

1. Maraming sinulat na libro si Saint Isidore, at tungkol sa iba't ibang bagay. Grammar, astronomy, geography, history, etc. kaya siguro siya napiling patron ng internet. Kaya naisip ko, kung may balak kang maging santo, pumili ka ng bagay na gusto mong ma-associate sayo at gawin mo itong main event ng buhay mo. Ito malamang ang magiging basehan kung saang larangan ka magiging patron saint. Pumili ka ng maayos dahil parang pangalawang apelyido na yun, kakabit parati sa pangalan mo. "Patron Saint of Unlimited Texting," halimbawa lamang.

2. Maraming Saint John. Maraming Saint Francis. Maraming Saint Michael. Magkaron ka ng pangalang unique. Bokbok. O Cheverly.

3. Nabasa ko yung bio ni Saint Lorenzo Ruiz, ang unang Pilipinong santo. Matindi talaga yung pinagdaanan niyang torture sa Japan kung saan ang mga kristiyano ay pinahirapan at pinatay. Binitin patiwarik sa balon para lang talikuran niya ang pagiging kristiyano niya. Pero solid pa din siya hanggang mamatay. Di siya nagpatinag. Siya at labinglima pang iba. Teka teka, labinglima? So marami pala siyang mga kasabay. Sino sila? Bakit di binabanggit mga pangalan nila? Bottom line: Hindi lahat ng martyr sumisikat, so dapat may gawin kang kakaiba at striking. Magsabi ka ng pamatay na linya na magandang i-quote.

Isang di ko gustong aspeto ng pagkakaron ng mga santo: Pagka-click ko ng link ni Saint Anthony, napunta ako sa page ng bio niya. Pagkatapos na pagkatapos ng biography, may picture ng pendant sa baba, tapos nakasulat: "50% off quality solid gold medals.. CLICK HERE." Ayus. Ang dating sa'kin nun, pinagkakitaan yung pagiging 'banal' nila. At may mga santo sigurong mataas ang market value.

Siguro asar na sakin yung mga santo ngayon. Nababasa kaya nila to? Kung hindi man, malapit na siguro, kasi magkakaroon na ng patron saint ng internet. Hehe. Joke. Bato-bato sa langit, ang tamaan pikon.

At gusto kong tanungin ang Vatican: Sa bawat bigating teknolohiya ba na darating, magkakaron ng isang santong patron?

Commercial Break

Commercial muna.



Tsaka isang seasonal modification ng layout. Santa hat. May parol sa baba, scroll mo. Wala na namang magawa no.

PGB

Nagkaroon ulit ng gig ang Batopik, at alam niyo kung saan? Sa makasaysayang lalawigan ng [drumroll] Bataan! Wuhoo! Lumalayo na ang naabot ng aming musika! Hahaha! Debut ni Connie, girlfriend ni bandmate Kes. Masayang weekend ang naganap kaya hayaan niyo ko magkwento. Susubukan kong iklian para di ka tamarin magbasa. Hatiin natin sa segments. Parang Shake Rattle and Roll.

Part One: Biyahe Bords
Bus ang sinakyan namin papuntang Bataan. Ang tagal ng biyahe mehn. Three-fourths siguro nun tulog ako. Syempre di mo maaalis ang madalas na pagtanong ng "malapit na ba tayo?" sa iba't ibang variations. Sagot naman si Kes palagi ng "mga 1 hour pa" na parang scripted. Hehehe.

Matapos ang magtatatlong oras ng biyahe ay nakarating na rin kami sa wakas. Check-in sa resort at nag-unahan sa pwesto ng tulugan naglagay ng gamit tapos pumunta na kami sa party place. Nauna kami dun dahil magse-setup pa kami ng instruments. Mga 5-minute ride sa private jeep yung layo nung resort sa party place, at yung tagal na 'yon ay pinupuno namin ng mga kanta ng pinakasikat na boyband ng dekada nobenta -- Ang Backstreet Boys! Yeah! Hahaha! Isang alituntuning dapat sundin kapag may kakanta ng BSB song ay dapat kantahin ito ng MAY VOICING, at di na ako nagulat na alam ito ng Batopik BY HEART. Kumpleto mula mga linya ni Brian hanggang kay Nick. Now let me show you the shape of my heart. Hehe.

Ibang iba ang biyaheng jeep sa probinsya kesa dito sa Manila. Relaxing, di tulad dito na nakaka-stress. Nakakamiss ang amoy ng probinsya. Yung amoy ng dahon at lupa, yung presko na hangin, yun pa lang solb na. Kahit maraming lamok na chumi-cheap shot sa binti ko ayus lang. Di hamak na mas tahimik at payapa kesa sa urban setting. At nakakasawa na ang amoy ng ortigas.

Part Two: Jacuzzi Equations
Ayus yung debut, sarap ng pagkain. Batopik will play for food. Ops, joke lang yun baka seryosohin niyo. Ang hassle lang dun sa event, umulan. Live band setup plus rain equals really good electric conductors. Hehehe. Kinakabahan kami lahat mag-plug ng mga instruments kasi may napanood na ko dati na humawak sa grounded na mic tapos bigla na lang bumagsak. Tsk tsk.

Yan eto medyo exciting na ang ikukwento ko. Yung venue ay isang garden na may dalawang covered jacuzzi na maliit. Sa una hindi mo iisiping jacuzzi yun kasi (1) may takip na tela at (2) walang tubig. Dun kami sa isa kumain para may masisilungan, tapos yung instruments nandun naman sa kabila. Yung mga gitara nakaayos sa gilid ng jacuzzi, hindi mismo sa jacuzzi. Ganito o:



Ngayon, kararating lang ng bandmate kong Chinese na itatago natin sa pangalang Zaido. Tinanong niya kung asan ang gitara. "Asan ang gitara?" tanong niya. Tinuro namin ang covered jacuzzi. "Andun o," sabi namin. Ang sumunod na narinig ko ay isang malakas na "BLAG!". Natatawa pa din ako pag naiisip ko yun. Sori chong, words fail me:



Whew. Nga pala, yun ang first time na tumugtog kami na sobrang lapit sa isa't isa -- at sa ilalim ng malaking payong. Ayus 'no. Hassle talaga yung ulan pramis. Blessing daw sabi ng iba. Pero hassle pa rin. Sabi nga sa Philosophy Class namin dati, 'Nothing is ultimately good.' (Takte kung anu-ano na sinasabi ko wala na sa kwento. Gising prits! Nahihilo ako habang tina-type ko 'to. Sensya hehe.)

Part Three: Banyo Bro
Kung masaya yung party, mas okey yung after party! Inuman sa resort with Alfonso the First, Jose Cuervo at pareng Jack Daniel! Lintik yang mga yan wala nang ibang inatupag kundi magpatumba ng mga tao. Gusto kong sabihing tama lang yung amats ko pero... hindi talaga e haha! Hiyawan na kantahan na naman lalo na't may background music na tumutugtog. Hindi ko alam kung may nabulabog kami sa ingay namin. Sensya na lang ulet. Nung medyo naging asul na yung langit, nagkayayaan nang mag-swimming. May amats na nga nagyayayaan pa mag-swimming. San ka pa. So bumaba kami papunta sa mga kubo-kubo. (I'm trying my best to remember the details here, hehe) Basta alam ko bumalik ako para mag-CR. Tapos inantok ako sobra, kaya napasandal ako sa dingding. Napagod onti, kaya napaupo ako sa sahig. Tapos natulog. At natulog.

SA CR. Hahaha amp! (Nakalipat naman ako sa kama ng may onting tulong, buti na lang kamo hindi ko na-lock yung pinto ng CR.)

Kinabukasan ay late na kami nagising, at hindi na'ko naka-swimming. Sayang. Umalis na kami ng resort ng tanghali at naglunch. Masarap si chicken curry lalo na't nakakamay kaming kumain. Pagkatapos magsiuwian ng iba, nagpasya kaming umakyat ng Mount Samat. By jeep naman. Di ko kakayaning umakyat nung mga sandaling 'yon dahil sa sakit ng ulo ko. Maya-maya lang ay nakarating na kami sa..

Part Four: Tuktok ng Mount Amats
Ang lamig ng hangin dun mga bords. Ang sarap. At first time ko makita ang Dambana ng Kagitingan sa personal. Huli kong nakita yun noong grade school sa isang textbook. Akala ko noon krus lang yun. Hindi pala. Isa 'tong DAMBUHALANG GUSALING KRUS na pwede mong pasukin at akyatin. Parang noon ko lang nalaman yun. O baka nag-may-i-go-out ako nung sinabi ni teacher yun.

Nag-aalangan pa akong umakyat nung una. Hindi dahil natatakot ako umakyat (Yea right, prits). Masakit pa din ang ulo ko at mukhang nasusuka ako. Di ata cool kung magkaroon ng suka sa taas ng isang historical landmark. O kaya sa elevator. Haha kadiri. Nag-aya si Gelo sumuka sa malapit na CR. At hindi ko na kailangan ng anumang effort para masuka. Amoy pa lang ng CR solb na. Ayun, nagkita ulet kami ni chicken curry. Hehe.



Di ako gaanong takot sa heights, pero pag may nakikita akong bagay na naka-suspend mula sa mataas na lugar, nanghihina ako. Pano ba naman, gusto kasi nilang kunan yung mga ulo nila sa labas ng bintana, e di kailangan mo ding ILABAS yung CAMERA diba? Ampupu. Sebenti-por meters mula sa tuktok ng Mount Samat. Kahit dura hihingalin pag nahulog dun e.

Pagkagaling sa Dambana, derecho na terminal ng bus pauwing Manila. Balik sa syudad, balik sa ingay at kontroladong kaguluhan. Balik sa trapik at trabaho, sa stress ng buhay Manilenyo. Tapos, tapos na ang kwento ko. Pero yung hangover mukhang hindi pa.

Pati na ang hangover sa bakasyon. Gusto ko nang mag-bakasyon ulet.

Spacetime



Aliw na aliw na aliw na aliw ako sa konsepto ng spacetime.

(Ang tao ay naaaliw sa mga bagay na hindi niya alam kung paano nangyayari. Halimbawa: Magic tricks. Mas hindi mo alam, mas maaaliw ka.)

Ulet. Aliw na aliw na aliw na aliw ako sa konsepto ng spacetime. Hehehe.

Basta pag ang istorya ay naglalaro na sa panahon at oras, susubaybayan ko yan. Kapag nahalo na sa usapan ang time travel, ang grandfather paradox, multiverse at parallel dimensions, automatic na bibigyan ko yan ng atensyon. Kaya nga alam ko ang kwento nina Bokbok at Poknat e. Hehe.

Matagal na panahon na rin mula nang maisip ni pareng Einstein ang theory of relativity. Teka, lalo atang nakakaaliw yun. Change topic. Naniniwala ba kayo na may maiibentong time machine ang tao? Kung oo ang sagot mo, eto ang tanong: bakit hanggang ngayon ay wala pa rin tayong bisita mula sa future?

Yan mga kaibigan ay napapaloob sa tinatawag nating Fermi paradox. Sa totoo niyan, ang Fermi paradox e sumasakop sa tanong na 'Kung may extraterrestrial beings nga, bakit wala pa rin tayong ebidensya?' na parang naninisi yung tono. Maliban sa Fermi, meron din tayong Grandfather paradox, na sa tingin ko pamilyar ang iba sa atin. Tanong naman dito sa isa, 'Kung bumalik ka sa nakaraan, posible ba na patayin mo ang lolo mo bago pa mabuo ang mga magulang mo?' Pag nangyari yun, hindi mabubuo ang mga magulang mo, tsaka ikaw mismo, hindi rin mabubuo. So sino yung pumatay sa lolo mo kung hindi ka naman nabuhay in da pers place? Oooo diba astig? Umoo ka.

Posible nga ba? Posible bang bumalik ka sa oras at wakasan ang ugat ng iyong existence? Itanong na din natin kung posible bang bumalik ka sa oras, period. Marami nang naging theories tungkol sa time travel, at siguradong meron kang mga naiisip kung ano ang consequences pag nagawa nating maglakbay sa panahon.

Ang pinaniniwalaan ng nakararaming experts ngayon ay kaya nating magtravel papunta sa future, pero hindi pabalik sa past. Pinakita ito sa Twin Paradox. (Paradox na naman??) Ang sabi dito, kunwari may kambal na kapapanganak pa lang, sina Ning-ning at si Ging-ging. Si Ging-ging ay isinakay sa isang spaceship paalis sa mundo, samantalang si Ning-ning ay petiks lang araw-araw sa bahay. Kung ang spaceship ay bumiyahe ng sobrang bilis, papalapit sa speed of light, pagbalik niya sa mundo ay makikitang mas bata siya kumpara sa kakambal niya. For more info, punta kang Wikipedia, mahirap mag-explain.

Pero kunwari nga kaya nating bumalik sa nakaraan. Ano ang magiging sagot sa Grandfather paradox? Magagawa ba nating pigilan ang mga mangyayari?





Sagot #1: HINDI KAYA.
Kunwari ang node 2 ang punto kung saan magkikita ang lolo't lola mo, at ang node 3 ay ngayon. Tumalon ka mula 3 papuntang 2. Susubukan mong pigilan na magkakilala ang lolo't lola mo. HINDI MO MAGAGAWA. Kahit. anong. mangyari. All this time, parte ka na pala talaga ng kasaysayan. Somewhere between nodes 2 and 3, ipapanganak ka, at magkakaroon ng dalawang ikaw na mag-eexist. Pagdating ulet sa node 3, yung isa mong sarili ay mawawala (babalik sa past) at ikaw ay tutuloy na from node 3 onwards.

Example ng ganitong timeline: Harry Potter and the Prisoner of Azkaban, kung saan ang mga future self nina Harry at Hermione ang tumulong sa kanila.





Sagot #2: OO NAMAN.
Ganun pa rin ang nodes 2 at 3. Pero pagtalon mo mula 3, hindi ka na makakapunta sa 2 dahil sarili mong nakaraan yun. Bawal na yung magalaw. Sa halip, may bagong timeline na magba-branch-out - node 2.1. Lahat ng ikikilos mo dito ay magbubunga ng node 3.1, iba sa events na pinanggalingan mo. Walang conflict na mabubuo dahil magkaibang timeline na ang pinag-uusapan. Ang mga event sa nakaraan, sa node 1 papuntang 2 ay hindi apektado sa ginawa mong pagtravel. Ngayon, pwede kang bumalik sa node 3 dahil derecho pa din ang timeline na yun, o kaya pwede kang tumuloy lang sa pangalawang timeline.

Example ng ganitong timeline: Heroes syempre! Sa twing magta-timetravel si Hiro, ibang timeline ang nabibisita niya. Yung timeline na yun ay pwede niyang baguhin, pero ang nangyari sa timeline niya ay nangyari na at di na mababago.





Sagot #3: POOF.
Eto siguro yung nakakatakot na klase ng time travel scenario. Bumalik ka from node 3 to node 2. Pinigilan mong magkakilala ang lolo at lola mo sa nakaraan. Dahil dito, hindi na sila magiging mag-asawa, hindi na mabubuo ang mga magulang mo, at hindi ka na rin mabubuo. Pagkatapos mong pigilan ang lolo mo, POOF. Bigla ka na lang mawawala. Nabura ang dating path mula 2 papuntang 3, at nagkaroon ng panibago kung saan wala ka na. Nag-rearrange ang timeline para ma-accomodate ang ginawa mo. Walang branch-branch. Walang ibang timeline. Sori ka na lang, hehe.

Example ng ganitong timeline: Back to the Future trilogy. Masayang magulo yung plot, at kelangan ko pang mag-Wiki para matandaan yung mga nangyari. Pero basically, kung pumunta ka ng past para baguhin ito, ang babalikan mong present ay resulta ng mga pagbabagong ginawa mo sa past.

Kung ako ang tatanungin, gusto ko yung pangalawang sagot sa taas. Ayoko kasing paniwalaan na may destiny na tumatali sa buhay natin. Gusto kong isiping kayang kaya nating baguhin ang buhay natin kung gugustuhin natin.

Ikaw? Alin dun sa tatlo ang sa tingin mo mangyayari?