Check out http://www.mgadrowingniprits.com too!

Pinoy Pokémon Part 3


P006 - LANGAWLA


TYPE: Bug/Flying
HEIGHT: 3"
WEIGHT: 5.2 LBS
AREA: Lahat ng madumi at nabubulok, Leonel Waste Mgmt
CRY: Lngwwwwwwwww..
ABILITY: Ultra Reflexes

Ang mga LANGAWLA ay mahilig sa dumi. Layunin nilang ipatikim sa lahat ng nilalang ang duming nadapuan nila. Madali lang humuli ng LANGAWLA -- ilublob sa septic tank ang iyong Pokéball at sila mismo ang magpupumilit pumasok.




P007 - BANGAWBA


TYPE: Bug/Bug
HEIGHT: 1' (?!?)
WEIGHT: 11.0 LBS
AREA: Lahat ng madumi at nabubulok, 'toilet' sa Mt. Pulag Campsite
CRY: Bngwwwwwwwww..
ABILITY: Intimideyshown

LANGAWLA ► BANGAWBA

Kalokohan ang laki ng mga BANGAWBA (Pero syempre pinakamalaking insekto pa din si BUYUGYOG) dahil nababali ang sanga pag ito'y dumapo. Iba-iba ang kulay nila, depende sa mikrobyo na dala nila. Ang fly swatter niyo sa bahay ay pambulag lamang sa kanila. Kailangang gumamit ng electric badminton racket.


4
keith:

Ayos, may panibagong installment ang Pinoy Pokemon! More powah, hehe!

PS. Okay ang bago mong layout... at mukhang may bago bawat taon, na hindi naman masama. ;)

prits:

haha salamat sa pagsubaybay sa pinoy pokemon :D

dami pang naka-line up, di lang nadodrowing.. may dalawa pang legendary hehe..

alden:

Helo po! ganda po ng blog niyo....
parehas din po tayong mahilig sa pokemon.Sa katunayan meron din ako.

More power po sa inyo!!

Anonymous:

Wow~! haha nice one. I have been looking for Pokemon of Filipino version and I found it here... thanks...follow ikaw sa ako po.