Check out http://www.mgadrowingniprits.com too!
Showing posts with label blog. Show all posts
Showing posts with label blog. Show all posts

Ang Kasaysayan ng Layout

I did it again. Nagpalit na naman ako ng blog layout. Para sa mga hindi sumusubaybay sa blog na 'to (which is LAHAT hehe), pang-sampu ko na 'tong palit. And to celebrate ten colorful version changes, I'll give you a tour through time and show you a grand history of discontented layouts. Hehe. (Tantya lang po yung mga taon)

1. A Pre-made Upsaid Template (2003)
white, light blue

Wala pa sa isip ko ang mag-customize ng blog layout, kaya pre-made muna. Sa Upsaid ang kauna-unahan kong blog. Labasan lang ng frosh angst at kung anu-anong istorya. Kinukwento ko pa noon yung prof namin sa softball na mukhang sikyu. Babae siya a.


2. UAAP Outlines (2003)
white, blue, green

Dahil frosh na frosh, matindi ang epekto ng archer-eagle rivalry. Naisip kong kaya kong baguhin kahit background at text colors sa blog ko para medyo exciting. Simple lang naman - may watermark ng top view ng basketball court, tapos may bagsak na eagle sa kanan na may nakatusok na pana. Green pride burns deep, sabi nila.


3. The Flash (2004)
white, red, black

Cartoon drowing ng sarili ko na nakasuot ng flash t-shirt. Pula ata ang links. Medyo iniba ko na ata ang posisyon ng page elements, di ko masyado tanda. Eto yung time na namamaximize ko na ang attendance policy. Hehe.


4. Ang Buhay Ay Parang Komiks (2004)
brown, yellow, orange

Photobucket
Nauna pa kay Mars Ravelo sa TV! :D

Medyo badtrip ata ako sa buhay nung panahon neto haha. Hindi naman emo kid. Fixed ang width at height, so scrollable ang blog entries sa isang area.


5. The Icebox Raider (2004)
black, blue, yellow

Photobucket
Raiding fridges nightly from 10pm onwards

Summer, at gabi-gabi ang midnight snack. Sidebar sa kaliwa. Dito ko naisip na dapat talaga may central concept ang layout ko, tapos yung elements ng page ay dapat magkaka-ugnay.


6. -silog (2005)
red, orange, yellow

Photobucket
Ulam na lang ang kulang

Isa 'to sa mga paborito ko. Nakakagutom daw ang pula, kaya pula daw ang karamihan sa mga fastfood/resto. Kaya pula din ang color theme nito. Balik fixed height at width. Lahat ng links ko sa ibang blog ay nasa format na (name)-silog. Nagsimula ang hilig ko sa tapsilog.


7. Balut! (2006)
black, blue, orange

Photobucket
Mga kwentong amats, tambay at sabaw

Madalas na ko inaabot ng umaga sa paligid ng campus. Tambay na 'ko ng school after school hours. Foodtrip sa gabi. Inuman, balut at chicharon. Naisip kong magandang i-drowing ang loob ng balut. Mm sarap.


8. The Yellow Line (2006)
dkgray, yellow

Photobucket
Keeping students five meters away from the harmful school environment

Na-realize kong mamimiss ko ang tambayan sa labas ng building namin. Ginawa kong layout ay top view ng Agno St, at ang yellow line ang nagsilbing hati sa content at sa sidebar. Isa din sa paborito kong layout. Right aligned lahat.


9. Mga Drowing Ni Prits (2007)
white, black, green

Photobucket
Kung 'di mo makwento, idrowing mo

Gusto ko ng sketch blog, kaya iniba ko na ang pangalan ng url ko sa nakikita niyo ngayon. Gusto ko na parang dinrowing lahat ng elements. Matrabaho pala ayusin hehe.

9.1 Mga Drowing Ni Prits (2008)
Blogger Layout version

Dahil parating Blogger Templates ang kino-customize ko, sinubukan ko naman ang Blogger Layout. Mas matrabaho hehe. Sinubukan ko lang para merong "older posts" at "newer posts" links ang blog ko.


10. Mga Drowing Ni Prits v2.0 (2009)
black, white, green

Photobucket
Kung 'di mo pa rin makwento...

Balik sa kasalukuyan. May search, rss feed link (na hindi ko pa nasusubukan hehe) at merong reminder mula sa Creative Commons :D Nakakapagod. Pati paggawa nitong post na to nakakapagod!! Haha!

Sampung palit ng layout. Sampung tema, sampung damdamin, sampung kwento. Siguro di pa dadating ang araw na makukuntento ako sa isang layout. Ang pagle-layout ng blog ay parang designing exercise sa'kin, at mukhang malayo pang matapos ang exercise na yun :D

Ikaw, alin sa sampu ang trip mo?

Commercial Break

Commercial muna.



Tsaka isang seasonal modification ng layout. Santa hat. May parol sa baba, scroll mo. Wala na namang magawa no.

First Post (#9)

Before I started this new blog, I actually told myself to try blogging in English. Because ever since before, I blog in Filipino. Why not, right? With English, more people can understand what I’m saying, and I’ll not be culturally biased whatsoever. But then I thought I’m not blogging for anyone. This is for my own satisfaction (because a blog is an excuse for me to design a website, and I *really* like designing websites.. hehe..) so I should do this for myself. And English doesn't capture the personality, you get what I'm sayin?

Tae, amats ata ako a. Shet mehn.

Maligayang pagdating (muli) sa aking lugar na pang-online! Yea! Pang-ilang version na to? Siyam?? Hanep! Wala talagang ka-kuntentuhan sa design e no..

Siya nga pala, eto ang bago kong pakulo. Drowing blog. Ewan ko pero madami na din siguro ang nakaisip at gumawa ng ganito. Minsan kasi mas gusto kong ginuguhit yung naiisip ko, tapos hindi ko makwento ng maayos. Basta wag ka na lang makulit.

Sana ay maupdate ko na to palagi, ng mga kwentong masarap ikwento, at ng mga drowing na magandang idrowing. At dahil pangit ang pag-display ng literary works sa deviantart, kung meron man malamang dito ko na din ipopost.