Check out http://www.mgadrowingniprits.com too!

Pinoy Pokémon Part 1

Dahil may mga pokemon na sa Pilipinas lang makikita.

P001 - SARIMANOK


TYPE: Normal/Flying
HEIGHT: 1'6"
WEIGHT: 20.2 LBS
AREA: Everywhere (lalo na pag umaga)
CRY: Tik-tila-ooooooohkkkk!!
ABILITY: Rainbow tuka

Primary colors lang ang nirereflect ng balahibo ng SARIMANOK. Mahilig ito sa malilit na isda. Minsan ay makikita mo itong may huling isda sa tuka. Minsan na din itong nakita sa station ID ng channel 2.




P002 - BHELAT


TYPE: Normal
HEIGHT: 3'4"
WEIGHT: 87.6 LBS
AREA: Kambingan
CRY: Bhehehehehe-lat!
ABILITY: Asar Stare

Parating nakatalikod sa kalaban si BHELAT. Kahit iharap mo, tatalikod yan. Wala itong ibang gawin kundi lumingon at mang-asar. Kapag tinitigan ka na, wala ka nang ibang maiisip kundi katayin siya. Kaya kumukonti na sila.



Watch out for more! Hehehe..

* Bago kami noon umakyat ng Pulag, sinabihan kami ng DENR Rep na mataas ang bioodiversity ng bundok, at bawal naming guluhin ang kung ano mang datnan namin dun. Hanggang tutok lang ng Pokédex kumbaga. At dun na nagsimula ang batuhan ng mga bagong Pokémon na maisip namin. Sinabi ko na gagawan ko sila ng drowing, at eto ang unang dalawa.

** First colored drawings sa blog ko.
1
Anonymous:

wahahaha ngayon ko lang toh nakita ah :))

-albert