Pero alam niyo, lahat yun nagbago nung maapakan ko ang damuhan ng summit ng Mount Pulag, ang pangalawang pinakamataas na bundok sa Pilipinas na matatagpuan sa Cordillera Provinces. Sa taas na ~2,930m, (onti lang ang agwat sa ~2,950m na Mount Apo), ibabaw na ng mga ulap ang makikita mo, at mangilan-ilang bahagi ng Pulag na sumisilip sa paligid.
Bigla kong naintindihan kung bakit may mga taong nagpapakahirap umakyat ng bundok sa kabila ng panganib at pagod.
The climb was both glorifying and humbling. Kaya ko pala yung ganon e, (kahit namamanhid na sa lamig at kulang pa sa tulog). Pero maraming ipapaalala sa'yo pag andun ka na sa taas. Maiisip mo lang kung gaano kahalaga ang sariwang hangin kapag manipis na to. Kung gaano kasarap ang init ng araw kapag buong gabi kang babad sa lamig ng hangin at ulap. Kung gaano naman kapresko ang ulap kapag sunog ka na sa araw.
Mabuti daw at umulan sa gabi sabi ng tour guide namin. Mawawala daw ang mga ulap sa tuktok, kaya mas maganda ang view ng sunrise. Galing ng irony no? May mga paraan ang kalikasan para lalo mo siyang maappreciate. At baka trip din kami ni Pulag. Salamat, Pulag! Sa uulitin!
Mahirap i-describe yung view sa taas e. At kung idodrowing ko, di makukuha yung saktong eksena. Kaya inihahandog ko sa inyo ang utol ng site na to: http://mgakuhaniprits.multiply.com Dahil kung di mo madrowing, pikchuran mo! Hehe!
Pero syempre, may drowing pa din!! Hehe!!
Kaya daw kakaiba ang Mt. Pulag ay dahil grassland ang peaks nito. Hindi lang yan, nahahati sa tatlong areas ang bundok: maliban sa madamong tuktok, meron pang Mossy Forest at Pine Forest, at mapapansin mo kaagad ang boundary ng mga areas.
Pinasok ng tubig ang tent namin nung gabi. Hindi namin alam kung pano kami magkakasya sa natitirang tuyong lugar sa loob. Doctor quack quack tulungan mo kami..
Rolling terrain mula campsite papuntang summit. Pag mali hakbang mo, rolling nga ang aabutin mo.
Kaya palang gawin ng jip to:
Malamig. Gano kalamig?
Sa DENR (Benguet):
Sa Ranger Station (Baba ng bundok):
Sa Campsite (2 hrs from summit):
Sa Summit:
At yun. Tapos na. Kung gusto mo makakita ng tanawin na perfect example ng salitang "breathtaking" (kapos ka talaga sa hininga dun), umakyat ka ng Pulag. Pramis, sulit.
HUWAW! galing magdrowingniprits! marunong rin ako! naPhD ko na nga magdrawng ng sticks e. hehehe
Post a Comment