I did it again. Nagpalit na naman ako ng blog layout. Para sa mga hindi sumusubaybay sa blog na 'to (which is LAHAT hehe), pang-sampu ko na 'tong palit. And to celebrate ten colorful version changes, I'll give you a tour through time and show you a grand history of discontented layouts. Hehe. (Tantya lang po yung mga taon)
1. A Pre-made Upsaid Template (2003)
white, light blue
Wala pa sa isip ko ang mag-customize ng blog layout, kaya pre-made muna. Sa Upsaid ang kauna-unahan kong blog. Labasan lang ng frosh angst at kung anu-anong istorya. Kinukwento ko pa noon yung prof namin sa softball na mukhang sikyu. Babae siya a.
2. UAAP Outlines (2003)
white, blue, green
Dahil frosh na frosh, matindi ang epekto ng archer-eagle rivalry. Naisip kong kaya kong baguhin kahit background at text colors sa blog ko para medyo exciting. Simple lang naman - may watermark ng top view ng basketball court, tapos may bagsak na eagle sa kanan na may nakatusok na pana. Green pride burns deep, sabi nila.
3. The Flash (2004)
white, red, black
Cartoon drowing ng sarili ko na nakasuot ng flash t-shirt. Pula ata ang links. Medyo iniba ko na ata ang posisyon ng page elements, di ko masyado tanda. Eto yung time na namamaximize ko na ang attendance policy. Hehe.
4. Ang Buhay Ay Parang Komiks (2004)
brown, yellow, orange
Medyo badtrip ata ako sa buhay nung panahon neto haha. Hindi naman emo kid. Fixed ang width at height, so scrollable ang blog entries sa isang area.
5. The Icebox Raider (2004)
black, blue, yellow
Summer, at gabi-gabi ang midnight snack. Sidebar sa kaliwa. Dito ko naisip na dapat talaga may central concept ang layout ko, tapos yung elements ng page ay dapat magkaka-ugnay.
6. -silog (2005)
red, orange, yellow
Isa 'to sa mga paborito ko. Nakakagutom daw ang pula, kaya pula daw ang karamihan sa mga fastfood/resto. Kaya pula din ang color theme nito. Balik fixed height at width. Lahat ng links ko sa ibang blog ay nasa format na (name)-silog. Nagsimula ang hilig ko sa tapsilog.
7. Balut! (2006)
black, blue, orange
Madalas na ko inaabot ng umaga sa paligid ng campus. Tambay na 'ko ng school after school hours. Foodtrip sa gabi. Inuman, balut at chicharon. Naisip kong magandang i-drowing ang loob ng balut. Mm sarap.
8. The Yellow Line (2006)
dkgray, yellow
Na-realize kong mamimiss ko ang tambayan sa labas ng building namin. Ginawa kong layout ay top view ng Agno St, at ang yellow line ang nagsilbing hati sa content at sa sidebar. Isa din sa paborito kong layout. Right aligned lahat.
9. Mga Drowing Ni Prits (2007)
white, black, green
Gusto ko ng sketch blog, kaya iniba ko na ang pangalan ng url ko sa nakikita niyo ngayon. Gusto ko na parang dinrowing lahat ng elements. Matrabaho pala ayusin hehe.
9.1 Mga Drowing Ni Prits (2008)
Blogger Layout version
Dahil parating Blogger Templates ang kino-customize ko, sinubukan ko naman ang Blogger Layout. Mas matrabaho hehe. Sinubukan ko lang para merong "older posts" at "newer posts" links ang blog ko.
10. Mga Drowing Ni Prits v2.0 (2009)
black, white, green
Balik sa kasalukuyan. May search, rss feed link (na hindi ko pa nasusubukan hehe) at merong reminder mula sa Creative Commons :D Nakakapagod. Pati paggawa nitong post na to nakakapagod!! Haha!
Sampung palit ng layout. Sampung tema, sampung damdamin, sampung kwento. Siguro di pa dadating ang araw na makukuntento ako sa isang layout. Ang pagle-layout ng blog ay parang designing exercise sa'kin, at mukhang malayo pang matapos ang exercise na yun :D
Ikaw, alin sa sampu ang trip mo?
Check out http://www.mgadrowingniprits.com too!
Ni Prits. Isang programmer sa 'Pinas na mahilig magdrowing. Mahilig din siya sa mga inadobo, inihaw at Binicol express. Mahilig sa musika, sa design, at sa magaling na pag-pikchur. Mahilig sa alagang hayop kahit wala naman siyang alaga. Gusto tumambay sa beach. Yung nakahiga lang sa buhangin. Gusto bumiyahe sa malalayong lugar kahit antukin sa biyahe. Gusto mag-design ng website kaya gumawa ng sariling blog.
Rak on.
Animo.
View my complete profile
Rak on.
Animo.
View my complete profile
- June 2009 (1)
- April 2009 (2)
- October 2008 (3)
- September 2008 (1)
- August 2008 (1)
- July 2008 (2)
- June 2008 (1)
- March 2008 (1)
- February 2008 (3)
- January 2008 (1)
- December 2007 (1)
- November 2007 (3)
- October 2007 (1)
- September 2007 (1)
hehe ayos bord! naka subscribe ako sa RSS feeds mo. gumagana naman. hehe pinaka gusto ko yung yellow line. tayo magkausap nung nabubuo yung concept na yun dati eh. hehe yan din ang pangalan ng media group namin ngaun. syempre, inspired by the tambayan. ANIMO AGNO! hehe
ANIMO AGNO! hehehe! tama ikaw nga kausap ko nun sa yellow line hehe! mabuhay ang ating tambayan. bow.
ako din un yellow line. at un version 1 ng mga drowing :) mas highlighted kse un "drawing blog" concept :)
yung yellow line tsaka yung green pride burns deep. astig yun eh.
naalala ko pa yung -silog layout mo. astig pangalan ko doon eh. vincilog. haha
animo.
Post a Comment