Safe mode ang pc ko ngayon. Sira kasi ang video card ko. Ibig sabihin nun:
- walang sound
- walang matinong video
- walang games
- lalo na Spore(TM)
- walang naruto shippuden marathon
- walang prison break marathon
- walang usb support
- walang scans
- walang drowing
- walang magawa.
Kaya binago ko na ang presentation ng blog ko, dating template na ngayon ay layout. Pero dapat pareho pa rin ang itsura. Kaya ang advice ko sa mga magma-migrate ng blog templates to layouts:
WAG. Unless handa kang sumakit ang ulo sa kaka-edit > save > view nang paulit ulit, habang iniintindi ang blogger layout tags.
Pero masaya na ko dito. Hehe. Saka ko na aayusin lahat. Sa totoo lang ang habol ko lang naman talaga sa layout templates e yung 'Older Posts' at 'Newer Posts' na lumalabas sa baba ng blog. Yun, tsaka yung tree-style na Archive view.
Check out http://www.mgadrowingniprits.com too!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ni Prits. Isang programmer sa 'Pinas na mahilig magdrowing. Mahilig din siya sa mga inadobo, inihaw at Binicol express. Mahilig sa musika, sa design, at sa magaling na pag-pikchur. Mahilig sa alagang hayop kahit wala naman siyang alaga. Gusto tumambay sa beach. Yung nakahiga lang sa buhangin. Gusto bumiyahe sa malalayong lugar kahit antukin sa biyahe. Gusto mag-design ng website kaya gumawa ng sariling blog.
Rak on.
Animo.
View my complete profile
Rak on.
Animo.
View my complete profile
- June 2009 (1)
- April 2009 (2)
- October 2008 (3)
- September 2008 (1)
- August 2008 (1)
- July 2008 (2)
- June 2008 (1)
- March 2008 (1)
- February 2008 (3)
- January 2008 (1)
- December 2007 (1)
- November 2007 (3)
- October 2007 (1)
- September 2007 (1)
Post a Comment