Gusto kong magpraktis magdrowing ng kamay, kasi isa yun sa mga weakness ko sa pagdodrowing. At dahil dun kaya naisip kong ituro na lang ng isang mabilis at exciting na larong pang-kamay na nilalaro namin noong highschool. Para lalo kayong maging interesado, eto ang isang trivia: Ipinagbawal ng principal namin noon na laruin ito dahil hindi daw ito nakakahasa ng isip -- puro reflex lang daw ang aasahan mo.
But I beg to disagree. Hindi lang reflex ang gagamitin mo. May halo itong Math, Probability at, well, Art. Hehe. Kailangan mo ring mag-isip ng mabilis, at sa bilis, kailangan ito ay tama. At gaya ng ibang makabuluhang laro, kapupulutan ito ng mabuting asal, tulad ng Honesty, Sportsmanship at Teamwork. Dats right.
Inihahandog ko sa inyo ang Magic. Ang Magic ay pandalawahan, pangmaramihan, at pang-infinity. Hehe. Nagkaroon ng panahon noong highschool na lagpas 1/4 ng quadrangle ang sakop namin sa dami naming naglalaro. Turo sa amin ng kaklase namin noong 3rd year highschool (na nagmula pa sa paaralan niya noong gradeschool), naging libangan ito ng mga mag-aaral at nag-alis ng sakit na tinatawag nating boredom. Pano ito nilalaro? Kung pamilyar kayo sa larong Dragon Ball (charge-block-kamehamewave!) ay medyo mabilis niyo na itong matututunan. Medyo lang. Diba nga, Math, Probability at Art. Kung hindi naman, isipin niyo parang advanced na bato-batopik.
1. GAMEPLAY show |
hide
Nakabilog ang mga players, o kung dalawa lang, magkaharap. Magsisimula ang laro na magkakalapat ang palad ng mga manlalaro, na parang naka-apir kayong lahat ng sabay-sabay. Ang isang round ng laro ay ang pag-uulit sa pormang:
CLAP (apir sa magkabilang kamay) – ACTION
kung saan ang action ay pwedeng (1) Charge, (2) Attack, o (3) Defend, hanggang sa may matanggal.
Halimbawa ng isang round: CLAP - Charge - CLAP - Defend - CLAP - Attack
2. CHARGE show |
hideAng una niyong kailangang malaman ay ang konsepto ng
CHARGE. Hindi ka makakagawa ng kahit na anong offensive skills kung wala kang Charge. Kailangang matalas ang memory mo. Tandaan mo kung ilang Charge na ang meron ka. Mas maiging tandaan din kung ilan na sa kalaban. Kapag may umatake nang walang Charge, ang tawag doon ay POOF at tanggal na siya sa laro. No cheating, chong. Kapag inatake ka habang naka-Charge, sorry na lang, tanggal ka na rin.
Ang Charge ay expendable at hindi reusable. Kapag meron kang tatlong Charge halimbawa at ginamit mo ang isa dito, dalawa na lang ang pwede mong gamitin.
Figure 1 - The Charge
Clench both your fists at chest level, much like holding the handles of a
bent bicycle. During The Charge, the player is most vulnerable for he is wide open to any kind of attack.
Yey may Charge ka na. Yan ang building blocks ng larong ito. Parang 'Mana' o 'Magic Points'. Ang susunod nating pag-aaralan ay ang mga klase ng atake.
3. OFFENSE show |
hide3.1. AbraMay isang charge ka na, at gusto mo nang paalisin ang kaharap mo. Pwede mo na siyang i-
ABRA. Ang Abra ang pinakasimpleng atake, pero wag itong mamaliitin -- kaya nitong tumagos sa malakas na depensa.
Figure 2. The Abra
Similar to a Ghost Fighter's 'Ray Gun' but with two fingers extended, point your index and middle finger to the desired target. Bang.
3.2. HocusPaano kung imbis na tumira ka ng Abra, nag-Charge ka ulet? E di dalawa na ang Charge mo. Pwede mo nang gamitin ang second attack, ang
HOCUS.
Figure 3. The Hocus
Open your hand as if you're about to squeeze a melon. But don't squeeze. Imagine a ball of energy building in the palm of your hand. Push it forward.
3.3. SpellYeba. Dalawa na alam mo. Sige ipon pa, gawin mong tatlo. Ngayon pwede ka nang tumira ng
SPELL. Medyo seryoso na to, medyo masakit na.
Figure 4. The Spell
All fingers pointing to the target, with palms either aligned and facing down, or facing each other. Add a brisk movement for coolness.
3.4. Double Hocus..Hanggang sa nawili ka sa kaka-Charge at nakaapat ka na pala. Maaari mo nang ibigay sa kalaban ang
DOUBLE HOCUS. Tugshk tugshk!
Figure 5. The Double Hocus
Both palms facing the target, with the fingers bent as if ready to claw. However, the fingers are close to each other. Tugshk tugshk!
3.5. MagicAt syempre, sa grupong 'to dapat may carrier single. Ito ang
MAGIC, may limang Charges, at ito ang ultimate attack. Muna. Hehe..
Figure 6. The Magic
Cup your hand upwards, then swiftly raise it then slam it downwards, like slamming a Quarter Pounder with cheese on a table. Massive damage.
4. DEFENSE show |
hideDefense can be equated to survival in the game. Hindi ka mabubuhay kung puro Charge at atake ka lang. Hindi ka tatagal. Ang defensive skills ay hindi kumakain ng Charge, so technically pwede kang magblock nang magblock para habambuhay na kayong naglalaro. Ang tanong na lang dun: Aling depensa?
4.1. AbsorbAng unang defensive skill ay ang
ABSORB. Kaya nitong pigilan ang
Abra at
Hocus (Mas mataas pa don ay tiklop ka na). At sabi nga sa pangalan, maa-
absorb mo yung atake sa'yo, yung Charge nung skill na ginamit sa'yo. Importante ang Absorb dahil may mga pagkakataong mahirap mag-Charge sa dami ng tumitira, at mas maiging kinukuha mo na lang ang Charge ng iba kaysa sa mawalan ka ng depensa sa pagcha-Charge.
Figure 7. The Absorb
As if praying, put your palms together and absorb the energy from your opponent. Stare back and smile at his mistake.
4.2. BackfireBakit ka pa hihigop ng Charge kung pwede rin namang PATAYIN NA KAAGAD YUNG TUMIRA SAYO? Hehe. Yan ang konsepto ng
BACKFIRE. Sweet and immediate vengeance. Kaya nitong pigilan ang
Spell, at hindi lang yan,
ibalik ang atake sa tumira sa'yo. Kaya ring i-block ng Backfire kung ang total ng Charges na tumira sa'yo ay
divisible by three (Halimbawa tatlong Abra o tatlong Hocus). Sabi ko sa'yo may Math e.
Figure 8. The Backfire
With arms across the chest, one palm is over the other, both forming the Yin and the Yang, the balance of forces. Shove the spell back to the caster's helpless stance. Kala mo ha.
4.3. ChronicleKung ang Absorb ay para sa Abra at Hocus, ang Backfire ay para sa Spell, ang
CHRONICLE naman ay para sa Double Hocus at Magic. Magkaiba ang ginagawa nito depende sa atake. Kung
Double Hocus ang tinira, mawawalan ito ng bisa.
Blocked kumbaga. Apat na Charges, bigla na lang mawawala sa hangin, at manghihinayang ang tumira. Kung
Magic naman ang tinira,
ibabalik ito ng Chronicle sa caster, parang Backfire. Boom.
Figure 9. The Chronicle
Forearm vertically positioned, raise your hand to eye level and form a fist, showing the back of your palm to your opponent. Place the knuckles of your other hand on the opposite elbow forming a big letter L. The gesture says a lot.
Notes: Kung mali ang ginamit mong defense, lulusot ang atake ng kalaban mo at matatanggal ka na sa laro. Halimbawa, ang isang Abra o isang Hocus ay kayang lumusot sa Backfire o sa Chronicle. 5. WHY MAGIC IS FUN show |
hide
Nagpapanggap tayong may magic tayo, DI PA BA MASAYA YUN?? Hehe.. joke lang. Pag-isipan niyong maigi. Kesa sa bato, papel at gunting, meron kang limang offensive at tatlong defensive skills. Halimbawa mayroon akong apat na Charge. Titira na ba ako ng Double Hocus? Alam na ng kalaban ko na naka-apat na ako, baka masayang lang. Spell na lang kaya? Pag nag-Backfire tanggal na ako. Kung Abra? Ano ba ang chance na mag-aAbsorb siya kesa mag-Chronicle? Probability chong. Masaya ang may uncertainty. Hehe.
At pag medyo nagiging dalubhasa na kayo, bibilis na kayong maglaro. Second nature na ang pag-Charge ng maingat, at nakapagtatakang alam mo kung Poof ang isang tao kahit madami pa kayong naglalaro. Hindi na lang utakan ang laban, takutan pa. Pakiramdaman kung kailan bubukas at magcha-Charge ang kalaban. Pataasan ng bilang ng Charge na kaya mong abutin bago ka tumira.
Nariyan pa ang micro-management ng Charges mo, dahil pwede mong hatiin sa mga kalaban ang atake. Isang Hocus dito at isang Spell doon. O kaya ay tatlong Abra sa inyo. Area of Effect Damage, mehn.
At syempre, atake mo yun, at malaya kang magdagdag ng 'personal moves' para mas may dating ang tira mo. Art kasi e. May nagca-cast Magic na thumbs down ang gesture na gamit. May naga-Abra naman na tinuturo lang ang kalaban. Malaya kang dagdagan ng personality ang mga tira mo. Wag ka lang lalayo masyado sa nakasanayang gesture. At wag mo din namang gawing pare-pareho ang mga moves. May kakilala akong magkapareho ang kamay sa Hocus at Spell, magkaiba lang ang taas ng braso. To be clear and honest, say the attack out loud.
6. ADVANCED MAGIC show |
hide
At chempre pag beterano ka na sa limang klaseng atake at tatlong depensa, mababawasan na ng onti ang challenge. Onti lang naman. Kaya dagdagan pa natin! Ang mga sumusunod ay para sa mga bihasang manlalaro ng Magic at makikita sa tournament style ng paglalaro. Hindi ko na matandaan kung kasali to sa unang version ng Magic o dinagdag lang to nung kaklase ko.
The Double Clap Variation
Maliban na lang kung sabog ka, ang unang-unang action na gagawin mo sa isang round ay ang Charge, diba? Lahat ng players ay hindi pa makakatira sa unang action, kaya given na lahat ng players ay magcha-Charge. May modification ang gameplay para sa ganoon. Ang Double Clap sa simula ang nagbibigay ng tig-iisang Charge sa lahat ng players, para sa unang action, pwede na kagad umatake kahit abra man lang.
CLAP - CLAP (Sa puntong ito, understood na may isang Charge na lahat) - ACTION
6.1. Stinger
Ang STINGER ay isang Six-Charged Attack na mas masarap gamitin sa pangmaramihang laro. Lahat ng hindi naka-Defend, tanggal na sa laro. Astig no. So basically kahit anong depensa pwede mong gamitin laban sa Stinger para hindi ka tablan. Kung inatake mo ang naka-Stinger, tanggal ka rin, maliban na lang kung mas malakas ang charge ng atake mo (7 or more charges).
6.2. Crisscut
Ang CRISSCUT ay isang Seven-Charged Attack at ito ang pinaka-artistic na tira na magagawa mo. Nagsimula lang noon sa zigzag na paghati sa kalaban pababa, ngayon ay kahit anong klaseng hiwa na ang pwede mong gawin, minsan nga pumipirma pa. Dagdagan ng sound effect na “TTSSSST!!” habang nagki-Crisscut.
6.3. Chickenjoy
Alam kong parang kalokohan na tong sinasabi ko pero totoong may ganyan. Ang CHICKENJOY lang ang depensa laban sa Crisscut. Bino-block nito ang seven-charged attack at mga atakeng divisible by seven, kung aabot ka pang mag-charge ng ganoon kadami.
7. CONCLUSION show |
hide
At dito nagtatapos ang isang crash course sa larong Magic. Sana'y nahikayat ko kayong matuto at maglaro ng larong ito. Masaya 'to pramis, subukan niyo. Hindi ako expert sa larong to, pero nag-eenjoy ako sa suspense at surprise ng bawat round. At sa Math. At sa Probability. At sa Art. Hehe.
DISCLAIMER: Credits of this game belong to Juanda and his friends in grade school. Tsaka kulang tong guide na to. I-uupdate ko pa to.
Haha!! Nice walkthrough frytz! Complete with illustration pa!
wahahaha. madyik!
natatawa ko kasi gets ko. hahaha. those were the days. nasubukan mo na bang mag-almusal ng crisscut?
pwede pa lang mablock ng Backfire ung 3 abra? d ko alam un a. haha.
hahaha. magaling magaling!
kilala ko ata ang tinutukoy mong tumuturo pag nang-Abra ng kalaban...hmmm...
itago natin siya sa pangalang Abat. lol =)
wow! amazing! heard about this from JP. nice nice drawings! -Carmen Lopez
nice! thanks!
hahaa I researched para matalo ko yung boy classmates ko!! =))
NAKAKAMISS!!
panalo!
Woowww. o.O Di ako marunong nito e T_T Kasi ung mga classmates ko. Ayaw ako turuan. Atleast ngaun KAHIT PAPANO. :-bd Hehe. Kasi uso 'to sa MASCI eh. XD
Naks! Namiss ko ito! Thanks for this. Sarap laruin ulit!
di ba meron pa ung parang ultimate na attack tapos ung defense e "portal"?.. galing ng ginawa mo frytz haha! pwedeng reference ng current mascians XD
Ngayon ko lang nakita 'to, Frytz. Sa isang org-mate ko na MaSci grad. Buhay pa ang legacy ni Wanda at ng 03. Good times.
Btw, astig mga drawing mo. At...Pokemon pa rin hanggang ngayon? Haha. Peace.- RG Guillermo
Hi, I did a translation of this blogpost on my blog. Ikakalat ko ang Magic sa Canada. :D
Post a Comment