Check out http://www.mgadrowingniprits.com too!

PGB

Nagkaroon ulit ng gig ang Batopik, at alam niyo kung saan? Sa makasaysayang lalawigan ng [drumroll] Bataan! Wuhoo! Lumalayo na ang naabot ng aming musika! Hahaha! Debut ni Connie, girlfriend ni bandmate Kes. Masayang weekend ang naganap kaya hayaan niyo ko magkwento. Susubukan kong iklian para di ka tamarin magbasa. Hatiin natin sa segments. Parang Shake Rattle and Roll.

Part One: Biyahe Bords
Bus ang sinakyan namin papuntang Bataan. Ang tagal ng biyahe mehn. Three-fourths siguro nun tulog ako. Syempre di mo maaalis ang madalas na pagtanong ng "malapit na ba tayo?" sa iba't ibang variations. Sagot naman si Kes palagi ng "mga 1 hour pa" na parang scripted. Hehehe.

Matapos ang magtatatlong oras ng biyahe ay nakarating na rin kami sa wakas. Check-in sa resort at nag-unahan sa pwesto ng tulugan naglagay ng gamit tapos pumunta na kami sa party place. Nauna kami dun dahil magse-setup pa kami ng instruments. Mga 5-minute ride sa private jeep yung layo nung resort sa party place, at yung tagal na 'yon ay pinupuno namin ng mga kanta ng pinakasikat na boyband ng dekada nobenta -- Ang Backstreet Boys! Yeah! Hahaha! Isang alituntuning dapat sundin kapag may kakanta ng BSB song ay dapat kantahin ito ng MAY VOICING, at di na ako nagulat na alam ito ng Batopik BY HEART. Kumpleto mula mga linya ni Brian hanggang kay Nick. Now let me show you the shape of my heart. Hehe.

Ibang iba ang biyaheng jeep sa probinsya kesa dito sa Manila. Relaxing, di tulad dito na nakaka-stress. Nakakamiss ang amoy ng probinsya. Yung amoy ng dahon at lupa, yung presko na hangin, yun pa lang solb na. Kahit maraming lamok na chumi-cheap shot sa binti ko ayus lang. Di hamak na mas tahimik at payapa kesa sa urban setting. At nakakasawa na ang amoy ng ortigas.

Part Two: Jacuzzi Equations
Ayus yung debut, sarap ng pagkain. Batopik will play for food. Ops, joke lang yun baka seryosohin niyo. Ang hassle lang dun sa event, umulan. Live band setup plus rain equals really good electric conductors. Hehehe. Kinakabahan kami lahat mag-plug ng mga instruments kasi may napanood na ko dati na humawak sa grounded na mic tapos bigla na lang bumagsak. Tsk tsk.

Yan eto medyo exciting na ang ikukwento ko. Yung venue ay isang garden na may dalawang covered jacuzzi na maliit. Sa una hindi mo iisiping jacuzzi yun kasi (1) may takip na tela at (2) walang tubig. Dun kami sa isa kumain para may masisilungan, tapos yung instruments nandun naman sa kabila. Yung mga gitara nakaayos sa gilid ng jacuzzi, hindi mismo sa jacuzzi. Ganito o:



Ngayon, kararating lang ng bandmate kong Chinese na itatago natin sa pangalang Zaido. Tinanong niya kung asan ang gitara. "Asan ang gitara?" tanong niya. Tinuro namin ang covered jacuzzi. "Andun o," sabi namin. Ang sumunod na narinig ko ay isang malakas na "BLAG!". Natatawa pa din ako pag naiisip ko yun. Sori chong, words fail me:



Whew. Nga pala, yun ang first time na tumugtog kami na sobrang lapit sa isa't isa -- at sa ilalim ng malaking payong. Ayus 'no. Hassle talaga yung ulan pramis. Blessing daw sabi ng iba. Pero hassle pa rin. Sabi nga sa Philosophy Class namin dati, 'Nothing is ultimately good.' (Takte kung anu-ano na sinasabi ko wala na sa kwento. Gising prits! Nahihilo ako habang tina-type ko 'to. Sensya hehe.)

Part Three: Banyo Bro
Kung masaya yung party, mas okey yung after party! Inuman sa resort with Alfonso the First, Jose Cuervo at pareng Jack Daniel! Lintik yang mga yan wala nang ibang inatupag kundi magpatumba ng mga tao. Gusto kong sabihing tama lang yung amats ko pero... hindi talaga e haha! Hiyawan na kantahan na naman lalo na't may background music na tumutugtog. Hindi ko alam kung may nabulabog kami sa ingay namin. Sensya na lang ulet. Nung medyo naging asul na yung langit, nagkayayaan nang mag-swimming. May amats na nga nagyayayaan pa mag-swimming. San ka pa. So bumaba kami papunta sa mga kubo-kubo. (I'm trying my best to remember the details here, hehe) Basta alam ko bumalik ako para mag-CR. Tapos inantok ako sobra, kaya napasandal ako sa dingding. Napagod onti, kaya napaupo ako sa sahig. Tapos natulog. At natulog.

SA CR. Hahaha amp! (Nakalipat naman ako sa kama ng may onting tulong, buti na lang kamo hindi ko na-lock yung pinto ng CR.)

Kinabukasan ay late na kami nagising, at hindi na'ko naka-swimming. Sayang. Umalis na kami ng resort ng tanghali at naglunch. Masarap si chicken curry lalo na't nakakamay kaming kumain. Pagkatapos magsiuwian ng iba, nagpasya kaming umakyat ng Mount Samat. By jeep naman. Di ko kakayaning umakyat nung mga sandaling 'yon dahil sa sakit ng ulo ko. Maya-maya lang ay nakarating na kami sa..

Part Four: Tuktok ng Mount Amats
Ang lamig ng hangin dun mga bords. Ang sarap. At first time ko makita ang Dambana ng Kagitingan sa personal. Huli kong nakita yun noong grade school sa isang textbook. Akala ko noon krus lang yun. Hindi pala. Isa 'tong DAMBUHALANG GUSALING KRUS na pwede mong pasukin at akyatin. Parang noon ko lang nalaman yun. O baka nag-may-i-go-out ako nung sinabi ni teacher yun.

Nag-aalangan pa akong umakyat nung una. Hindi dahil natatakot ako umakyat (Yea right, prits). Masakit pa din ang ulo ko at mukhang nasusuka ako. Di ata cool kung magkaroon ng suka sa taas ng isang historical landmark. O kaya sa elevator. Haha kadiri. Nag-aya si Gelo sumuka sa malapit na CR. At hindi ko na kailangan ng anumang effort para masuka. Amoy pa lang ng CR solb na. Ayun, nagkita ulet kami ni chicken curry. Hehe.



Di ako gaanong takot sa heights, pero pag may nakikita akong bagay na naka-suspend mula sa mataas na lugar, nanghihina ako. Pano ba naman, gusto kasi nilang kunan yung mga ulo nila sa labas ng bintana, e di kailangan mo ding ILABAS yung CAMERA diba? Ampupu. Sebenti-por meters mula sa tuktok ng Mount Samat. Kahit dura hihingalin pag nahulog dun e.

Pagkagaling sa Dambana, derecho na terminal ng bus pauwing Manila. Balik sa syudad, balik sa ingay at kontroladong kaguluhan. Balik sa trapik at trabaho, sa stress ng buhay Manilenyo. Tapos, tapos na ang kwento ko. Pero yung hangover mukhang hindi pa.

Pati na ang hangover sa bakasyon. Gusto ko nang mag-bakasyon ulet.
3
Sedricke:

haha ayos ganun pala ung dambana. d ko rin alam hehe. welkam bak to blogging!

Anonymous:

Shet hahahahaha hanggang ngayon tumatawa parin ako dun hahahahahahaha. Nakalimutan mo yung 'bro' na inisnab si geric na kaparehas niya ng damit. PGB - P**ENG GARAPAL B****L

prits:

@Sedricke
baka nag-go out ka din hehe..

@Zaido
Hahahahaha! *snap* *snap* Talagang naglagay pa ng meaning amp haha!