Kakatapos ko lang manood ng isang episode ng Supernatural. Swak ung theme ng napanod ko sa ideya na matagal ko nang gustong gawan ng article. Kaya eto na bords.
Likas sa'ting mga Pilipino ang maging mapamahiin. Bakit? Sa tingin ko may kinalaman yan sa pagiging relihiyoso natin. Ang mga bagay na hindi maipaliwanag ng siyensya, isinasalamin ng relihiyon. At ang mga hindi maipaliwanag ng relihiyon, nauuwi sa pamahiin.
(Sa mga hardcore religious, peace tayo.. Rak on na lang hehe..)
Pano kung may ibang nilalang, hindi ang Diyos na kinikilala natin, ang responsable sa mga nangyayaring 'milagro'? Pano lang, diba? Kung nakukuha nating mag-isip na may Diyos, na may ultimate Jedi, hindi natin maiiwasang mag-isip ng kabaliktaran, Dark Side kumbaga. Kaya nga nagkaroon ng konsepto ng heaven at hell.
Dederechohin ko na, hindi ko talaga makita ang sense ng pagpunas ng panyo sa imahen ng santo, tapos ipapahid mo sa sarili mo para mabiyayaan ka. Nagawa ko na yon noong bata pa ako, kasama ko ang lola ko o ang tita ko. Sumusunod lang, o di kaya, gumagaya lang. Anong meron dun sa kahoy na hinugis-tao na kayang magpagaling sa sakit ko?
Yung pagpapanata sa isang santo, na kung tuparin mo ang iyong sinabi o 'panata' ay gagawin niya ang hinihingi mong kapalit. At kapag hindi mo nagawa, sasama ang kalagayan mo. May mga relatives akong ganon. Gumaling daw ang sakit dahil sa panata. Hindi kaya gumaling ka dahil inisip mo lang na gagaling ka (mind over matter)? At pag di mo natupad ang panata, magkakasakit ka ulet? Ang sama naman nung santo na yun, diba. Kung tutuusin, nakakatakot pa nga e. Isipin niyo.
"You have to question your faith," sabi ng prof ko sa religion noong college. Bilib ako at nasabi niya yun, Religion pa man din tinuturo niya. At sang-ayon din ako sa sinabi niya. Matatalino tayong nilalang. Papayag ba tayong maniwala na lang basta sa kung anong sasabihin sa atin? Ang relihiyon, parte na ng kultura ng mga Pinoy. Tanggap na lang ba tayo basta kung ano ang pinasa sa atin nang hindi man lang nag-iisip kahit konti? Alam ko hindi dapat. Ako hindi.
Pero naniniwala ako sa Diyos. Tao lang ako. Hindi kaya ng utak ko intindihin kung bakit ako nandito. Hindi ko alam kung sa'n nag-umpisa ang mundo. Makukuntento na ko sa paniniwalang may isang nilalang (o baka nga hindi lang isa) na may pakana ng lahat, ang promotor, ang mastermind ng existence natin.
Sa nasabing episode ng Supernatural, may isang babaeng may brain tumor na humingi ng tulong sa isang faith healer. Peke itong si faith healer dahil ang totoo niyan, contractual niya pala si grim reaper. Kukuha siya ng buhay ng iba para ibigay sa isang 'believer' na kelangang gumaling. To cut it short, nasugpo ang masasamang balak ni faith healer. At yung girl, ayun, hindi napagaling.
Naniniwala ako sa konsepto ng Diyos, pero sa relihiyon, mukhang mahirap.
At ang pinakamahirap, sabi nung babaeng may brain tumor:
"Faith, in the absence of miracles."
Blind faith or not, it's up to us to decide. Naniniwala ka ba?
Check out http://www.mgadrowingniprits.com too!
Ni Prits. Isang programmer sa 'Pinas na mahilig magdrowing. Mahilig din siya sa mga inadobo, inihaw at Binicol express. Mahilig sa musika, sa design, at sa magaling na pag-pikchur. Mahilig sa alagang hayop kahit wala naman siyang alaga. Gusto tumambay sa beach. Yung nakahiga lang sa buhangin. Gusto bumiyahe sa malalayong lugar kahit antukin sa biyahe. Gusto mag-design ng website kaya gumawa ng sariling blog.
Rak on.
Animo.
View my complete profile
Rak on.
Animo.
View my complete profile
- June 2009 (1)
- April 2009 (2)
- October 2008 (3)
- September 2008 (1)
- August 2008 (1)
- July 2008 (2)
- June 2008 (1)
- March 2008 (1)
- February 2008 (3)
- January 2008 (1)
- December 2007 (1)
- November 2007 (3)
- October 2007 (1)
- September 2007 (1)
Post a Comment