Check out http://www.mgadrowingniprits.com too!

Pesteng Ipis

Hanggang ngayon hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit kailangang may ipis. Hindi ko alam bakit kailangang tumagal sila, e extinct na ang mga ka-batch nilang dinosaurs.

Hindi ako takot sa ipis. Sa gagamba, oo, lalo na pag kita mo kung gano karaming mata meron siya.. ehh.. Pag kalokohan ang laki ng gagamba, hindi talaga ako makakalapit o makatingin. Pero sa ipis, hindi ako takot. Nandidiri ako.

Gusto kong patayin kagad ang ipis pag nakikita kong may gumagapang. Automatic na kukuha ako ng tsinelas at ihahanda ang mabilis na reflex at intuition para matyempuhan kung saan ako papalo. Merong hardcoded impulse sa utak ko na ang algo ay maging bayolente pag may ipis na nakita.

Kaya nilang lumipad. Unfair yun. Mas mahirap silang patayin pag ganun. May distinct na tunog ang lumilipad na ipis, pati rin yung pagtama ng katawan nila sa dingding. Pag nakakarinig ako nun, hindi ako mapakali. Hindi ako makakatulog hangga't hindi patay yung ipis na yun.

Ang mga ipis ay malaman. Juicy, in a very bad way. Alam niyo na yung ibig kong sabihin -- yung white-yellow na lumalabas na t&*^#nang anong parte ng insekto yan?! Tatalunin ang Hostel at Saw sa gore ng pagkamatay nila. Para silang bomba na hitik sa kadiring shrapnels, at kung hahampasin mo para patayin, dapat i-defuse mo lang, wag mong hayaang pumutok.

At may mga ipis na marunong manakot. Naglalakad ka na palapit sa kanila, sila din magtatangkang lumapit sa'yo, siguro nagbabalak gumapang paakyat ng paa mo para mandiri ka. Pwes, ipis, ikaw ang unang titiklop pag ako kinalaban mo. Hindi ka makakalapit ng mababa sa dalawang talampakan sa'kin. At swelas ng tsinelas ang huli mong makikita bago kita ipadala sa impyerno ng mga ipis.

May casualty sa baba ng hagdan namin. Nagtangkang lumapit sa'kin, e nakasapatos ako boi. Hindi ko nakontrol ang lakas ng tadyak. Isplat. White stuff everywhere. Kadiri. Hindi ko maalis sa isip ko kung gaano ka-graphic ang mga pangyayari. Yun lang. Sweet dreams sa akin.