1. A Pre-made Upsaid Template (2003)
white, light blue
Wala pa sa isip ko ang mag-customize ng blog layout, kaya pre-made muna. Sa Upsaid ang kauna-unahan kong blog. Labasan lang ng frosh angst at kung anu-anong istorya. Kinukwento ko pa noon yung prof namin sa softball na mukhang sikyu. Babae siya a.
2. UAAP Outlines (2003)
white, blue, green
Dahil frosh na frosh, matindi ang epekto ng archer-eagle rivalry. Naisip kong kaya kong baguhin kahit background at text colors sa blog ko para medyo exciting. Simple lang naman - may watermark ng top view ng basketball court, tapos may bagsak na eagle sa kanan na may nakatusok na pana. Green pride burns deep, sabi nila.
3. The Flash (2004)
white, red, black
Cartoon drowing ng sarili ko na nakasuot ng flash t-shirt. Pula ata ang links. Medyo iniba ko na ata ang posisyon ng page elements, di ko masyado tanda. Eto yung time na namamaximize ko na ang attendance policy. Hehe.
4. Ang Buhay Ay Parang Komiks (2004)
brown, yellow, orange
Nauna pa kay Mars Ravelo sa TV! :D
Medyo badtrip ata ako sa buhay nung panahon neto haha. Hindi naman emo kid. Fixed ang width at height, so scrollable ang blog entries sa isang area.
5. The Icebox Raider (2004)
black, blue, yellow
Raiding fridges nightly from 10pm onwards
Summer, at gabi-gabi ang midnight snack. Sidebar sa kaliwa. Dito ko naisip na dapat talaga may central concept ang layout ko, tapos yung elements ng page ay dapat magkaka-ugnay.
6. -silog (2005)
red, orange, yellow
Ulam na lang ang kulang
Isa 'to sa mga paborito ko. Nakakagutom daw ang pula, kaya pula daw ang karamihan sa mga fastfood/resto. Kaya pula din ang color theme nito. Balik fixed height at width. Lahat ng links ko sa ibang blog ay nasa format na (name)-silog. Nagsimula ang hilig ko sa tapsilog.
7. Balut! (2006)
black, blue, orange
Mga kwentong amats, tambay at sabaw
Madalas na ko inaabot ng umaga sa paligid ng campus. Tambay na 'ko ng school after school hours. Foodtrip sa gabi. Inuman, balut at chicharon. Naisip kong magandang i-drowing ang loob ng balut. Mm sarap.
8. The Yellow Line (2006)
dkgray, yellow
Keeping students five meters away from the harmful school environment
Na-realize kong mamimiss ko ang tambayan sa labas ng building namin. Ginawa kong layout ay top view ng Agno St, at ang yellow line ang nagsilbing hati sa content at sa sidebar. Isa din sa paborito kong layout. Right aligned lahat.
9. Mga Drowing Ni Prits (2007)
white, black, green
Kung 'di mo makwento, idrowing mo
Gusto ko ng sketch blog, kaya iniba ko na ang pangalan ng url ko sa nakikita niyo ngayon. Gusto ko na parang dinrowing lahat ng elements. Matrabaho pala ayusin hehe.
9.1 Mga Drowing Ni Prits (2008)
Blogger Layout version
Dahil parating Blogger Templates ang kino-customize ko, sinubukan ko naman ang Blogger Layout. Mas matrabaho hehe. Sinubukan ko lang para merong "older posts" at "newer posts" links ang blog ko.
10. Mga Drowing Ni Prits v2.0 (2009)
black, white, green
Kung 'di mo pa rin makwento...
Balik sa kasalukuyan. May search, rss feed link (na hindi ko pa nasusubukan hehe) at merong reminder mula sa Creative Commons :D Nakakapagod. Pati paggawa nitong post na to nakakapagod!! Haha!
Sampung palit ng layout. Sampung tema, sampung damdamin, sampung kwento. Siguro di pa dadating ang araw na makukuntento ako sa isang layout. Ang pagle-layout ng blog ay parang designing exercise sa'kin, at mukhang malayo pang matapos ang exercise na yun :D
Ikaw, alin sa sampu ang trip mo?