Check out http://www.mgadrowingniprits.com too!

Pinoy Pokémon Part 2

Eto pa ang iba! I choose you!

P003 - TARITANDANG


TYPE: Fighting/Flying
HEIGHT: 1'11"
WEIGHT: 50.5 LBS
AREA: Sabungan
CRY: Tak-tari-ooooooohkkkk!!
ABILITY: Tari Slice

SARIMANOK >> TARITANDANG

Ang mga kuko ng TARITANDANG ay hindi napupurol. Ginagamit nila ito sa kapwa nila TARITANDANG para magkapera. Madalas makita ang mga TARITANDANG sa commercial ng Thunderbird.



P004 - BUYUGYOG


TYPE: Bug/Flying
HEIGHT: 6'2"
WEIGHT: 181 LBS
AREA: Fastfood chains
CRY: Jabijabijabijabi!!
ABILITY: Sundot Spaghetti

Maraming bata ang takot kay BUYUGYOG, dahil para sa isang insekto, napakalaki niya. Sa di malamang dahilan, masarap magluto ang mga BUYUGYOG ng fried chicken (tulad ni TARITANDANG).




P005 - POTIPOT


TYPE: Water/Ground
HEIGHT: 10"
WEIGHT: 15.3 LBS
AREA: The Island of Potipot
CRY: Potipotipoooooooot!!
ABILITY: Sandstorm Attack

Pantal ang aabutin mo kapag lumapit ka kay POTIPOT. Madalas silang nagpapadala sa alon, o kaya'y naglalagay ng buhangin sa loob ng shorts mo. Ang sayaw ng mga POTIPOT ay nakababa ng morale.



(Haha.. nag-eenjoy ako dito a.. meron pang mga dadating :D)
6
Anonymous:

*snort*

Ayos, may concept pa ng evolution! Dapat merong bug/fighting (aka, gagamba, salagubang, at mantis) saka legendary pokemon yan sa next parts :P

jeyps:

so yun pala itsura ni potipot... hehehe

louj:
This comment has been removed by the author.
Anonymous:

naisip ko baka pwedeng maging pokemon ang shoke. kalahating isda, kalahating bading. makulay ang kanyang kaliskis at buntot ngunit napakalansa ang dugo.
KIND: di tiyak (s/he)
HEIGHT: 5'5" (kapag nakadapa)
AREA: nagkalat
ABILITY: sumisid
CRY: depende sa mood

prits:

@ian
legendary.. pwede..

@jhaphet
oo.. ganun din yung sayaw hehe

@loujane
nakakatakot yang pokemon na yan. parang walang huhuli nyan hehehe..

Anonymous:

Naku, wala na bang susunod? More, more! Hehe.