Check out http://www.mgadrowingniprits.com too!

One Way Too Many

Sa Guadalupe Station sa MRT, nakita ko ang pinakamagulong public advisory sa Metro Manila:


Dapat nag-bus na lang tayo...


Ang ONE-WAY Passenger Flow Scheme na ito ay pinag-isipan at pinagplanuhang maigi para maayos ang daloy ng tao. Hindi ito lilikha ng anumang pagkalito sa mga babasa nito. Color coded ito para madaling intindihin.



Dahil sa malinaw ang instructions, kahit bata ay maaaliw dito.



Habang mas matagal kang nakatingin ay mas malalim na ang iyong pang-unawa.



At kung hindi mo ma-gets, wag mag-alala. Matapos titigan ang advisory ay kapansin-pansin ang iyong pagiging matalino. Tataas ang iyong IQ.



Antok na ko. Sakit sa ulo. Parang taling nagkapili-pilipit.
8
Anonymous:

yown oh, parang reports lng. har har

- vicky

Anonymous:

Araw-araw kong nadadaanan yang sign na yan. Pagkatapos nung unang beses kong binasa, hindi ko na sinubukan ulit intindihin. :D

prits:

@vicky
reporrrrtsss....

@ian
hehe. unang beses ko nakita yun sabi ko, "pipikchuran ko yan..."

Anonymous:

Meron niyan sa taft, nakapaskil sa dalawang side. Hahahahah minsan mas nagiging congested pa yung side ng may stored value dahil onti lang yung guard sa post

prits:

@renz
hehehehe... nabuhay ka bord.. JAMMING TAYO!!

lyx:

vicky!! hanggang dito ba naman FLIRT MODE ka!!!

Anonymous:

Ayos, haha. Naghahanap ako ng pampagising sa opisina at sakto itong entry mo! Panalo!

Unknown:

magegets nman yan pagkatapos ng mabusising pagbubusisi, haha!