Commercial muna.
Tsaka isang seasonal modification ng layout. Santa hat. May parol sa baba, scroll mo. Wala na namang magawa no.
Check out http://www.mgadrowingniprits.com too!
PGB
Nagkaroon ulit ng gig ang Batopik, at alam niyo kung saan? Sa makasaysayang lalawigan ng [drumroll] Bataan! Wuhoo! Lumalayo na ang naabot ng aming musika! Hahaha! Debut ni Connie, girlfriend ni bandmate Kes. Masayang weekend ang naganap kaya hayaan niyo ko magkwento. Susubukan kong iklian para di ka tamarin magbasa. Hatiin natin sa segments. Parang Shake Rattle and Roll.
Part One: Biyahe Bords
Bus ang sinakyan namin papuntang Bataan. Ang tagal ng biyahe mehn. Three-fourths siguro nun tulog ako. Syempre di mo maaalis ang madalas na pagtanong ng "malapit na ba tayo?" sa iba't ibang variations. Sagot naman si Kes palagi ng "mga 1 hour pa" na parang scripted. Hehehe.
Matapos ang magtatatlong oras ng biyahe ay nakarating na rin kami sa wakas. Check-in sa resort atnag-unahan sa pwesto ng tulugan naglagay ng gamit tapos pumunta na kami sa party place. Nauna kami dun dahil magse-setup pa kami ng instruments. Mga 5-minute ride sa private jeep yung layo nung resort sa party place, at yung tagal na 'yon ay pinupuno namin ng mga kanta ng pinakasikat na boyband ng dekada nobenta -- Ang Backstreet Boys! Yeah! Hahaha! Isang alituntuning dapat sundin kapag may kakanta ng BSB song ay dapat kantahin ito ng MAY VOICING, at di na ako nagulat na alam ito ng Batopik BY HEART. Kumpleto mula mga linya ni Brian hanggang kay Nick. Now let me show you the shape of my heart. Hehe.
Ibang iba ang biyaheng jeep sa probinsya kesa dito sa Manila. Relaxing, di tulad dito na nakaka-stress. Nakakamiss ang amoy ng probinsya. Yung amoy ng dahon at lupa, yung presko na hangin, yun pa lang solb na. Kahit maraming lamok na chumi-cheap shot sa binti ko ayus lang. Di hamak na mas tahimik at payapa kesa sa urban setting. At nakakasawa na ang amoy ng ortigas.
Part Two: Jacuzzi Equations
Ayus yung debut, sarap ng pagkain. Batopik will play for food. Ops, joke lang yun baka seryosohin niyo. Ang hassle lang dun sa event, umulan. Live band setup plus rain equals really good electric conductors. Hehehe. Kinakabahan kami lahat mag-plug ng mga instruments kasi may napanood na ko dati na humawak sa grounded na mic tapos bigla na lang bumagsak. Tsk tsk.
Yan eto medyo exciting na ang ikukwento ko. Yung venue ay isang garden na may dalawang covered jacuzzi na maliit. Sa una hindi mo iisiping jacuzzi yun kasi (1) may takip na tela at (2) walang tubig. Dun kami sa isa kumain para may masisilungan, tapos yung instruments nandun naman sa kabila. Yung mga gitara nakaayos sa gilid ng jacuzzi, hindi mismo sa jacuzzi. Ganito o:
Ngayon, kararating lang ng bandmate kong Chinese na itatago natin sa pangalang Zaido. Tinanong niya kung asan ang gitara. "Asan ang gitara?" tanong niya. Tinuro namin ang covered jacuzzi. "Andun o," sabi namin. Ang sumunod na narinig ko ay isang malakas na "BLAG!". Natatawa pa din ako pag naiisip ko yun. Sori chong, words fail me:
Whew. Nga pala, yun ang first time na tumugtog kami na sobrang lapit sa isa't isa -- at sa ilalim ng malaking payong. Ayus 'no. Hassle talaga yung ulan pramis. Blessing daw sabi ng iba. Pero hassle pa rin. Sabi nga sa Philosophy Class namin dati, 'Nothing is ultimately good.' (Takte kung anu-ano na sinasabi ko wala na sa kwento. Gising prits! Nahihilo ako habang tina-type ko 'to. Sensya hehe.)
Part Three: Banyo Bro
Kung masaya yung party, mas okey yung after party! Inuman sa resort with Alfonso the First, Jose Cuervo at pareng Jack Daniel! Lintik yang mga yan wala nang ibang inatupag kundi magpatumba ng mga tao. Gusto kong sabihing tama lang yung amats ko pero... hindi talaga e haha! Hiyawan na kantahan na naman lalo na't may background music na tumutugtog. Hindi ko alam kung may nabulabog kami sa ingay namin. Sensya na lang ulet. Nung medyo naging asul na yung langit, nagkayayaan nang mag-swimming. May amats na nga nagyayayaan pa mag-swimming. San ka pa. So bumaba kami papunta sa mga kubo-kubo. (I'm trying my best to remember the details here, hehe) Basta alam ko bumalik ako para mag-CR. Tapos inantok ako sobra, kaya napasandal ako sa dingding. Napagod onti, kaya napaupo ako sa sahig. Tapos natulog. At natulog.
SA CR. Hahaha amp! (Nakalipat naman ako sa kama ng may onting tulong, buti na lang kamo hindi ko na-lock yung pinto ng CR.)
Kinabukasan ay late na kami nagising, at hindi na'ko naka-swimming. Sayang. Umalis na kami ng resort ng tanghali at naglunch. Masarap si chicken curry lalo na't nakakamay kaming kumain. Pagkatapos magsiuwian ng iba, nagpasya kaming umakyat ng Mount Samat. By jeep naman. Di ko kakayaning umakyat nung mga sandaling 'yon dahil sa sakit ng ulo ko. Maya-maya lang ay nakarating na kami sa..
Part Four: Tuktok ng Mount Amats
Ang lamig ng hangin dun mga bords. Ang sarap. At first time ko makita ang Dambana ng Kagitingan sa personal. Huli kong nakita yun noong grade school sa isang textbook. Akala ko noon krus lang yun. Hindi pala. Isa 'tong DAMBUHALANG GUSALING KRUS na pwede mong pasukin at akyatin. Parang noon ko lang nalaman yun. O baka nag-may-i-go-out ako nung sinabi ni teacher yun.
Nag-aalangan pa akong umakyat nung una. Hindi dahil natatakot ako umakyat (Yea right, prits). Masakit pa din ang ulo ko at mukhang nasusuka ako. Di ata cool kung magkaroon ng suka sa taas ng isang historical landmark. O kaya sa elevator. Haha kadiri. Nag-aya si Gelo sumuka sa malapit na CR. At hindi ko na kailangan ng anumang effort para masuka. Amoy pa lang ng CR solb na. Ayun, nagkita ulet kami ni chicken curry. Hehe.
Di ako gaanong takot sa heights, pero pag may nakikita akong bagay na naka-suspend mula sa mataas na lugar, nanghihina ako. Pano ba naman, gusto kasi nilang kunan yung mga ulo nila sa labas ng bintana, e di kailangan mo ding ILABAS yung CAMERA diba? Ampupu. Sebenti-por meters mula sa tuktok ng Mount Samat. Kahit dura hihingalin pag nahulog dun e.
Pagkagaling sa Dambana, derecho na terminal ng bus pauwing Manila. Balik sa syudad, balik sa ingay at kontroladong kaguluhan. Balik sa trapik at trabaho, sa stress ng buhay Manilenyo. Tapos, tapos na ang kwento ko. Pero yung hangover mukhang hindi pa.
Pati na ang hangover sa bakasyon. Gusto ko nang mag-bakasyon ulet.
Part One: Biyahe Bords
Bus ang sinakyan namin papuntang Bataan. Ang tagal ng biyahe mehn. Three-fourths siguro nun tulog ako. Syempre di mo maaalis ang madalas na pagtanong ng "malapit na ba tayo?" sa iba't ibang variations. Sagot naman si Kes palagi ng "mga 1 hour pa" na parang scripted. Hehehe.
Matapos ang magtatatlong oras ng biyahe ay nakarating na rin kami sa wakas. Check-in sa resort at

Spacetime
Aliw na aliw na aliw na aliw ako sa konsepto ng spacetime.
(Ang tao ay naaaliw sa mga bagay na hindi niya alam kung paano nangyayari. Halimbawa: Magic tricks. Mas hindi mo alam, mas maaaliw ka.)
Ulet. Aliw na aliw na aliw na aliw ako sa konsepto ng spacetime. Hehehe.
Basta pag ang istorya ay naglalaro na sa panahon at oras, susubaybayan ko yan. Kapag nahalo na sa usapan ang time travel, ang grandfather paradox, multiverse at parallel dimensions, automatic na bibigyan ko yan ng atensyon. Kaya nga alam ko ang kwento nina Bokbok at Poknat e. Hehe.
Matagal na panahon na rin mula nang maisip ni pareng Einstein ang theory of relativity. Teka, lalo atang nakakaaliw yun. Change topic. Naniniwala ba kayo na may maiibentong time machine ang tao? Kung oo ang sagot mo, eto ang tanong: bakit hanggang ngayon ay wala pa rin tayong bisita mula sa future?
Yan mga kaibigan ay napapaloob sa tinatawag nating Fermi paradox. Sa totoo niyan, ang Fermi paradox e sumasakop sa tanong na 'Kung may extraterrestrial beings nga, bakit wala pa rin tayong ebidensya?' na parang naninisi yung tono. Maliban sa Fermi, meron din tayong Grandfather paradox, na sa tingin ko pamilyar ang iba sa atin. Tanong naman dito sa isa, 'Kung bumalik ka sa nakaraan, posible ba na patayin mo ang lolo mo bago pa mabuo ang mga magulang mo?' Pag nangyari yun, hindi mabubuo ang mga magulang mo, tsaka ikaw mismo, hindi rin mabubuo. So sino yung pumatay sa lolo mo kung hindi ka naman nabuhay in da pers place? Oooo diba astig? Umoo ka.
Posible nga ba? Posible bang bumalik ka sa oras at wakasan ang ugat ng iyong existence? Itanong na din natin kung posible bang bumalik ka sa oras, period. Marami nang naging theories tungkol sa time travel, at siguradong meron kang mga naiisip kung ano ang consequences pag nagawa nating maglakbay sa panahon.
Ang pinaniniwalaan ng nakararaming experts ngayon ay kaya nating magtravel papunta sa future, pero hindi pabalik sa past. Pinakita ito sa Twin Paradox. (Paradox na naman??) Ang sabi dito, kunwari may kambal na kapapanganak pa lang, sina Ning-ning at si Ging-ging. Si Ging-ging ay isinakay sa isang spaceship paalis sa mundo, samantalang si Ning-ning ay petiks lang araw-araw sa bahay. Kung ang spaceship ay bumiyahe ng sobrang bilis, papalapit sa speed of light, pagbalik niya sa mundo ay makikitang mas bata siya kumpara sa kakambal niya. For more info, punta kang Wikipedia, mahirap mag-explain.
Pero kunwari nga kaya nating bumalik sa nakaraan. Ano ang magiging sagot sa Grandfather paradox? Magagawa ba nating pigilan ang mga mangyayari?
Sagot #1: HINDI KAYA.
Kunwari ang node 2 ang punto kung saan magkikita ang lolo't lola mo, at ang node 3 ay ngayon. Tumalon ka mula 3 papuntang 2. Susubukan mong pigilan na magkakilala ang lolo't lola mo. HINDI MO MAGAGAWA. Kahit. anong. mangyari. All this time, parte ka na pala talaga ng kasaysayan. Somewhere between nodes 2 and 3, ipapanganak ka, at magkakaroon ng dalawang ikaw na mag-eexist. Pagdating ulet sa node 3, yung isa mong sarili ay mawawala (babalik sa past) at ikaw ay tutuloy na from node 3 onwards.
Example ng ganitong timeline: Harry Potter and the Prisoner of Azkaban, kung saan ang mga future self nina Harry at Hermione ang tumulong sa kanila.
Sagot #2: OO NAMAN.
Ganun pa rin ang nodes 2 at 3. Pero pagtalon mo mula 3, hindi ka na makakapunta sa 2 dahil sarili mong nakaraan yun. Bawal na yung magalaw. Sa halip, may bagong timeline na magba-branch-out - node 2.1. Lahat ng ikikilos mo dito ay magbubunga ng node 3.1, iba sa events na pinanggalingan mo. Walang conflict na mabubuo dahil magkaibang timeline na ang pinag-uusapan. Ang mga event sa nakaraan, sa node 1 papuntang 2 ay hindi apektado sa ginawa mong pagtravel. Ngayon, pwede kang bumalik sa node 3 dahil derecho pa din ang timeline na yun, o kaya pwede kang tumuloy lang sa pangalawang timeline.
Example ng ganitong timeline: Heroes syempre! Sa twing magta-timetravel si Hiro, ibang timeline ang nabibisita niya. Yung timeline na yun ay pwede niyang baguhin, pero ang nangyari sa timeline niya ay nangyari na at di na mababago.
Sagot #3: POOF.
Eto siguro yung nakakatakot na klase ng time travel scenario. Bumalik ka from node 3 to node 2. Pinigilan mong magkakilala ang lolo at lola mo sa nakaraan. Dahil dito, hindi na sila magiging mag-asawa, hindi na mabubuo ang mga magulang mo, at hindi ka na rin mabubuo. Pagkatapos mong pigilan ang lolo mo, POOF. Bigla ka na lang mawawala. Nabura ang dating path mula 2 papuntang 3, at nagkaroon ng panibago kung saan wala ka na. Nag-rearrange ang timeline para ma-accomodate ang ginawa mo. Walang branch-branch. Walang ibang timeline. Sori ka na lang, hehe.
Example ng ganitong timeline: Back to the Future trilogy. Masayang magulo yung plot, at kelangan ko pang mag-Wiki para matandaan yung mga nangyari. Pero basically, kung pumunta ka ng past para baguhin ito, ang babalikan mong present ay resulta ng mga pagbabagong ginawa mo sa past.
Kung ako ang tatanungin, gusto ko yung pangalawang sagot sa taas. Ayoko kasing paniwalaan na may destiny na tumatali sa buhay natin. Gusto kong isiping kayang kaya nating baguhin ang buhay natin kung gugustuhin natin.
Ikaw? Alin dun sa tatlo ang sa tingin mo mangyayari?
Subscribe to:
Posts (Atom)
Ni Prits. Isang programmer sa 'Pinas na mahilig magdrowing. Mahilig din siya sa mga inadobo, inihaw at Binicol express. Mahilig sa musika, sa design, at sa magaling na pag-pikchur. Mahilig sa alagang hayop kahit wala naman siyang alaga. Gusto tumambay sa beach. Yung nakahiga lang sa buhangin. Gusto bumiyahe sa malalayong lugar kahit antukin sa biyahe. Gusto mag-design ng website kaya gumawa ng sariling blog.
Rak on.
Animo.
View my complete profile
Rak on.
Animo.
View my complete profile
- June 2009 (1)
- April 2009 (2)
- October 2008 (3)
- September 2008 (1)
- August 2008 (1)
- July 2008 (2)
- June 2008 (1)
- March 2008 (1)
- February 2008 (3)
- January 2008 (1)
- December 2007 (1)
- November 2007 (3)
- October 2007 (1)
- September 2007 (1)