Hanggang ngayon hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit kailangang may ipis. Hindi ko alam bakit kailangang tumagal sila, e extinct na ang mga ka-batch nilang dinosaurs.
Hindi ako takot sa ipis. Sa gagamba, oo, lalo na pag kita mo kung gano karaming mata meron siya.. ehh.. Pag kalokohan ang laki ng gagamba, hindi talaga ako makakalapit o makatingin. Pero sa ipis, hindi ako takot. Nandidiri ako.
Gusto kong patayin kagad ang ipis pag nakikita kong may gumagapang. Automatic na kukuha ako ng tsinelas at ihahanda ang mabilis na reflex at intuition para matyempuhan kung saan ako papalo. Merong hardcoded impulse sa utak ko na ang algo ay maging bayolente pag may ipis na nakita.
Kaya nilang lumipad. Unfair yun. Mas mahirap silang patayin pag ganun. May distinct na tunog ang lumilipad na ipis, pati rin yung pagtama ng katawan nila sa dingding. Pag nakakarinig ako nun, hindi ako mapakali. Hindi ako makakatulog hangga't hindi patay yung ipis na yun.
Ang mga ipis ay malaman. Juicy, in a very bad way. Alam niyo na yung ibig kong sabihin -- yung white-yellow na lumalabas na t&*^#nang anong parte ng insekto yan?! Tatalunin ang Hostel at Saw sa gore ng pagkamatay nila. Para silang bomba na hitik sa kadiring shrapnels, at kung hahampasin mo para patayin, dapat i-defuse mo lang, wag mong hayaang pumutok.
At may mga ipis na marunong manakot. Naglalakad ka na palapit sa kanila, sila din magtatangkang lumapit sa'yo, siguro nagbabalak gumapang paakyat ng paa mo para mandiri ka. Pwes, ipis, ikaw ang unang titiklop pag ako kinalaban mo. Hindi ka makakalapit ng mababa sa dalawang talampakan sa'kin. At swelas ng tsinelas ang huli mong makikita bago kita ipadala sa impyerno ng mga ipis.
May casualty sa baba ng hagdan namin. Nagtangkang lumapit sa'kin, e nakasapatos ako boi. Hindi ko nakontrol ang lakas ng tadyak. Isplat. White stuff everywhere. Kadiri. Hindi ko maalis sa isip ko kung gaano ka-graphic ang mga pangyayari. Yun lang. Sweet dreams sa akin.
Check out http://www.mgadrowingniprits.com too!
Ang Kasaysayan ng Layout
I did it again. Nagpalit na naman ako ng blog layout. Para sa mga hindi sumusubaybay sa blog na 'to (which is LAHAT hehe), pang-sampu ko na 'tong palit. And to celebrate ten colorful version changes, I'll give you a tour through time and show you a grand history of discontented layouts. Hehe. (Tantya lang po yung mga taon)
1. A Pre-made Upsaid Template (2003)
white, light blue
Wala pa sa isip ko ang mag-customize ng blog layout, kaya pre-made muna. Sa Upsaid ang kauna-unahan kong blog. Labasan lang ng frosh angst at kung anu-anong istorya. Kinukwento ko pa noon yung prof namin sa softball na mukhang sikyu. Babae siya a.
2. UAAP Outlines (2003)
white, blue, green
Dahil frosh na frosh, matindi ang epekto ng archer-eagle rivalry. Naisip kong kaya kong baguhin kahit background at text colors sa blog ko para medyo exciting. Simple lang naman - may watermark ng top view ng basketball court, tapos may bagsak na eagle sa kanan na may nakatusok na pana. Green pride burns deep, sabi nila.
3. The Flash (2004)
white, red, black
Cartoon drowing ng sarili ko na nakasuot ng flash t-shirt. Pula ata ang links. Medyo iniba ko na ata ang posisyon ng page elements, di ko masyado tanda. Eto yung time na namamaximize ko na ang attendance policy. Hehe.
4. Ang Buhay Ay Parang Komiks (2004)
brown, yellow, orange
Medyo badtrip ata ako sa buhay nung panahon neto haha. Hindi naman emo kid. Fixed ang width at height, so scrollable ang blog entries sa isang area.
5. The Icebox Raider (2004)
black, blue, yellow
Summer, at gabi-gabi ang midnight snack. Sidebar sa kaliwa. Dito ko naisip na dapat talaga may central concept ang layout ko, tapos yung elements ng page ay dapat magkaka-ugnay.
6. -silog (2005)
red, orange, yellow
Isa 'to sa mga paborito ko. Nakakagutom daw ang pula, kaya pula daw ang karamihan sa mga fastfood/resto. Kaya pula din ang color theme nito. Balik fixed height at width. Lahat ng links ko sa ibang blog ay nasa format na (name)-silog. Nagsimula ang hilig ko sa tapsilog.
7. Balut! (2006)
black, blue, orange
Madalas na ko inaabot ng umaga sa paligid ng campus. Tambay na 'ko ng school after school hours. Foodtrip sa gabi. Inuman, balut at chicharon. Naisip kong magandang i-drowing ang loob ng balut. Mm sarap.
8. The Yellow Line (2006)
dkgray, yellow
Na-realize kong mamimiss ko ang tambayan sa labas ng building namin. Ginawa kong layout ay top view ng Agno St, at ang yellow line ang nagsilbing hati sa content at sa sidebar. Isa din sa paborito kong layout. Right aligned lahat.
9. Mga Drowing Ni Prits (2007)
white, black, green
Gusto ko ng sketch blog, kaya iniba ko na ang pangalan ng url ko sa nakikita niyo ngayon. Gusto ko na parang dinrowing lahat ng elements. Matrabaho pala ayusin hehe.
9.1 Mga Drowing Ni Prits (2008)
Blogger Layout version
Dahil parating Blogger Templates ang kino-customize ko, sinubukan ko naman ang Blogger Layout. Mas matrabaho hehe. Sinubukan ko lang para merong "older posts" at "newer posts" links ang blog ko.
10. Mga Drowing Ni Prits v2.0 (2009)
black, white, green
Balik sa kasalukuyan. May search, rss feed link (na hindi ko pa nasusubukan hehe) at merong reminder mula sa Creative Commons :D Nakakapagod. Pati paggawa nitong post na to nakakapagod!! Haha!
Sampung palit ng layout. Sampung tema, sampung damdamin, sampung kwento. Siguro di pa dadating ang araw na makukuntento ako sa isang layout. Ang pagle-layout ng blog ay parang designing exercise sa'kin, at mukhang malayo pang matapos ang exercise na yun :D
Ikaw, alin sa sampu ang trip mo?

Pinoy Pokémon Part 3
P006 - LANGAWLATYPE: Bug/Flying HEIGHT: 3" WEIGHT: 5.2 LBS AREA: Lahat ng madumi at nabubulok, Leonel Waste Mgmt CRY: Lngwwwwwwwww.. ABILITY: Ultra Reflexes Ang mga LANGAWLA ay mahilig sa dumi. Layunin nilang ipatikim sa lahat ng nilalang ang duming nadapuan nila. Madali lang humuli ng LANGAWLA -- ilublob sa septic tank ang iyong Pokéball at sila mismo ang magpupumilit pumasok. |
P007 - BANGAWBATYPE: Bug/Bug HEIGHT: 1' (?!?) WEIGHT: 11.0 LBS AREA: Lahat ng madumi at nabubulok, 'toilet' sa Mt. Pulag Campsite CRY: Bngwwwwwwwww.. ABILITY: Intimideyshown LANGAWLA ► BANGAWBA Kalokohan ang laki ng mga BANGAWBA (Pero syempre pinakamalaking insekto pa din si BUYUGYOG) dahil nababali ang sanga pag ito'y dumapo. Iba-iba ang kulay nila, depende sa mikrobyo na dala nila. Ang fly swatter niyo sa bahay ay pambulag lamang sa kanila. Kailangang gumamit ng electric badminton racket. |
Subscribe to:
Posts (Atom)
Ni Prits. Isang programmer sa 'Pinas na mahilig magdrowing. Mahilig din siya sa mga inadobo, inihaw at Binicol express. Mahilig sa musika, sa design, at sa magaling na pag-pikchur. Mahilig sa alagang hayop kahit wala naman siyang alaga. Gusto tumambay sa beach. Yung nakahiga lang sa buhangin. Gusto bumiyahe sa malalayong lugar kahit antukin sa biyahe. Gusto mag-design ng website kaya gumawa ng sariling blog.
Rak on.
Animo.
View my complete profile
Rak on.
Animo.
View my complete profile
- June 2009 (1)
- April 2009 (2)
- October 2008 (3)
- September 2008 (1)
- August 2008 (1)
- July 2008 (2)
- June 2008 (1)
- March 2008 (1)
- February 2008 (3)
- January 2008 (1)
- December 2007 (1)
- November 2007 (3)
- October 2007 (1)
- September 2007 (1)